Lunes, Hulyo 13, 2015

Battle of the PROFESSIONS: Push Nyo Yan Ha!

Ano ba grand prize dito pag nanalo? Sampung libong piso? Isang taong supply ng ballpen at class record kung teacher ka? Isang taong supply ng masks at gloves kung nars ka? Ano? Pangkabuhayan showcase? Trip to kung san san bat di pa ginawang Trip to Jerusalem?

Pansin ko lang ha! Usong uso to eh. Pagalingan ng propesyon. Sino mas mahirap ang course, sino mas mahirap ang trabaho, sino mas mataas sweldo. Oh, so yung pinakamagaling na propesyon, ano makukuha pag nanalo sa pagalingan? Wala namang cash prize. Walang kahit ano. Bragging rights oo. Oh, tapos? Nga nga.

Ganito kasi yan. I stumbled upon (Wow ano ba ibig sabihin non? Haha!) a screenshot of a comment sa feed ko. It was a comment from a teacher to the nurses. Nung una kong nabasa, unang unang reaksyon ko, teka parang gusto kong saktan yung nagcomment! You can't blame me for that, instinct. Nurse ako eh. Tinitira kami. Natural kukunot ang noo ko at parang gusto kong manapak pero on a second thought, joke lang yon! Haha. Hindeee, naisip ko, try to empathize. Be therapeutic! Huwaw, Galawang nars. I mean, it's okay to get pissed off pero at the end of the day, kanya kanya tayo ng field na ginagalawan. Oh discuss ko yan maya maya. Eto pala yung screenshot:


Wala naman akong pinaglalaban. Gusto ko lang dumaldal. And at some point, I want to clarify some issues here about nurses. Unang una, di ko naman alam yung kinomment nung nurse at bakit naman nakareact ng matinde tong si teacher. Wag nating ijudge. Anyway, here it goes:

Una sa lahat, unawain natin ang teacher na nagcomment. Baka naman may pinaghuhugutan nga. Baka bwisit sya that day sa mga makukulit na estudyante. Baka deadline na ng pasahan ng grades. Baka nakita nya payslip nya at ang dami nanamang kaltas ngayon buwan, GSIS, Philhealth, Income Tax etc, Baka napagalitan ng principal. Baka. Unawain nalang natin.

Pangalawa, opinyon nya yan eh. Opinyon. Well, doesn't mean totoo na agad na! Kaloka ha.Lahat naman tayo may right na magcomment, magunfriend, maglike, magunlike, magselfie, magdubsmash. Let's just try to understand. 

Ngayon, isa isahin natin mga points ni Sir/Ma'am:

"Kung makapagcompare wagas.."

-Totoo, ganyan naman kasi tayo eh. Ako aminado, ginagawa ko rin yan. Lahat naman eh! Tapos ano, pag tayo yung lesser sa kinocompare, nagagalit o nafufrustrate tayo. Pag tayo naman ang nakakaangat, wow sarap sa feeling. Pero ano? Anong nangyari nung kinompare mo sarili mo sa iba? Wala naman ah. Ikinaganda mo? Ikinahusay mo? Ikinaunlad ba ng Pilipinas? Engk. Hindi! Kasi naman, wala tayong karapatang icompare ang isang bagay o tao sa isa pang bagay o tao kung di pa natin naranasan o nakasalamuha yon. Put yourselves into the shoes of the other first. Gaya nga ng sinabi ko kanina, try to empathize. Wow makaempathize ako don. Parang alam ko naman ang meaning! Haha! Joke, alam ko naman. :)

"Eh di magteacher ka nalang.."

-Life is all about choices. Di mo pwedeng diktahan ang isang tao sa gusto nya. We all have our own picks in life and it's up to us how we can make ourselves feel worthy of those. Minsan, chances are, we make the wrong decisions or choices pero it doesn't make us less of a person at all. It even helps us grow kasi we've learned something from them.

"Bakit ka pa nagnars kung pera lang habol mo.."

- Wew nemen. Di naman porket nagnurse, pera na agad habol. Well, usually ganun sinasabi ng mga tao. "Kaya nagnurse yan, magaabroad yan!" "Kaya nagnurse yan, malaki sweldo sa ibang bansa eh". Well, we won't deny the fact. Totoong malaki ang sahod sa ibang bansa. At bahagi rin ng desisyon ng mga nars bakit nila pinili ang propesyon ay marahil dahil doon pero bakit ba? Ano ba ang pake natin? Haha! Oh come on! Let's be practical ha. Alam ko kelangan kami ng bansa. Pero, pwede bang, kelangan din kami ng mga pamilya namin? Kung dito kami magtatrabaho bilang nars, magkano sahod? Well, may sahod nga ba? Haha! Sa una wala eh. Free meal ganyan. So ano? Pwede ko ba itake out yung free meal para mapakain ko sa pamilya ko? Pwede ko bang iuwi yung mga gamit na bote ng gamot at bote ng IV para ibenta para may kitain ako tapos  makapagbigay ako sa magulang ko? Ang hirap kaya teh. Oh sige, punta tayo sa part na may sahod na. 4,000 isang buwan? 8,000 isang buwan? Marahil kung single ka, kaya naman buhayin ang sarili. Eh kung may pamilya ka paano? Kung may anak ka? Alangan namang bumili ka nalang ng kambing sa halagang 3,000, antayin mong mag gatas at yun ang ipalaklak mo sa anak mo. Hindi kasi ganoon kadali diba.

So, we really can't blame the nurses who pursue the profession in greener pastures (Wow naman ako makagreener pastures, wala bang bluer pastures? Favorite ko kasi ang Blue. Haha!) Article III Section II, Anti-Abroad Law, Bakit may ganyan ba? Na bawal magabroad? Di mo pwedeng sisihin yung tao kasi nangangarap lang naman sya, para sa pamilya, at para sa sarili. Di mo pwedeng ikulong na lang sa Pilipinas ang mga nars, kasi, kami ang magkakasakit dito. Haha!


"Kaya kayo binigyan ng ganyang sahod kasi yan lang dapat sa inyo.."

- Ay wow! Pabebe Girls ba yung nagcomment? Parang sa kanila galing eh! Haha! Para naman kaming mga inaping sisiw sa line na to. Haha! Oo, sabi nga ng gobyerno marahil eto nga lang ang dapat para sa amin. Tapos ano, magtataka pa sila bat umaalis ang mga nars. Luh. Adik lang? Kung ang halagang ito ang katumbas ng ilang oras na pagtayo, pagtakbo, pagprep ng gamot at kama, pagskip ng meals, pagpapaliban ng bathroom privileges, lahat para unahin ang pasyente, ay ewan ko lang. 

"Remember di ka nurse kung walang teacher.."

- Tama ka naman. Malaki ang utang na loob namin sa mga guro no! Saludo ako sa mga teachers. Sila nagmomold sa mga bata to prepare them for the real world kumbaga. Pero teka, di rin ako nurse kung di dahil sa mga magulang ko diba? Sila nagpaaral sakin eh. At hindi rin ako nurse kung hindi dahil sa sarili ko, kasi ginusto ko to, pinaghirapan ko to at tinapos ko to. 

Let us all accept the fact that we all need each other. Can we just coexist peacefully? Pwede ba yun?

"Kung nagsisi ka sa pinili mo, sana nagdoktor ka o abugado para yumaman.."

- Personally? I have no regrets in taking Nursing. I can say it has been one of my best choices in life. Ang dami kong natutunan, di lang theoretically eh. Ang dami kong natutunan bilang tao. Marahil may iba na nagsisisi sa pinili nila pero mga teh, may mga bagay tayong mayroon na maaring di ganoon kadali makita sa iba. Let us be proud of that. Thank you Mama Florence (Nightingale) for the inspo! Mwah! (May mwah talaga?! Teka, baka makasagot sya, katakot. Haha!)

Nga pala, I mean, talagang established na sa mga mata ng tao na pag doktor ka o abugado ka, matic, yayaman ka! Pero hindi lang naman yun, lahat pwedeng yumaman sa maayos na pamamaraan at propesyon. Kahit si Manong Magfifishball sa kanto pwedeng yumaman. Walang standards na nagsasabi na ang isang grupo lang ng tao ang pwedeng yumaman. Lahat pwede. Naniniwala ako dyan. Nasa tao naman kasi yan eh. At pag sinabing gusto na yumaman, masama na agad? Minsan kahit tanungin mo ang bata kung ano pangarap, sasabihin nyan, yumaman eh, magkabahay, magkakakotse but where do all of these lead to? Yumaman, para sa pamilya at sa sarili. Yun naman yun.

"Isa lang naman ang hangarin ng mga nars, ang makapagabroad at pagsilbihan ang mga banyaga kapalit ng pera.."

-Makaisa lang naman to! Di pwedeng dalawa o tatlo? Superficial reason lang ang nakita? Eto lang talaga ang gusto namin? Kaloka ha! Edi sana yung course namin eh Bachelor of Science in Nursing Major in International Services and Dollar Earnings. Ganyan ba? Wag natin igeneralize. Hello, kung pwede lang na di magabroad ang mga nars diba? Para di lalayo sa pamilya. Ginawa na sana nila. Eh ano ba kasi? Nga nga na nga dito sa Pilipinas. Ganito yan, kaya tinitiis ng mga yan na pagsilbihan ang mga banyaga dahil sa ultimate purpose na pagsilbihan ang pamilya. Maaring marami pang rason, gaya ng self-fulfillment, personal growth, pagtravel at kung anu ano pa. Pero, maling mali na yun lang ang nagiisang hangarin ng mga nars. Sabi nga ni Senyora, very wrong.

"Ang mga teachers nagsisilbi sa bayan at binibigyan ng magandang kinabukasan ang mga bata..."

- Ay totoo naman po yan! Iba rin talaga ang dedikasyon ng mga guro sa pagsisilbi sa bayan eh! Malaki ang utang na loob ng mga propesyonal gaya namin sa mga guro. Pero wait, di rin ba kami nagsisilbi sa bayan? Kaloka kaya kami magvolunteer! Pakainin nyo lang kami ayos na. Haha! At di rin ba namin binibigyan ng magandang kinabukasan ang mga magiging anak namin sa pamamagitan ng pagsisikap para mas kumita ng malaki at mapapasok sila sa magagandang eswelahan? Yan nga kasi. Kung pasuswelduhin ba kami ng mas maayos, magaaalis pa ba? Tsaka baka natural na go-getters lang talaga ang mga nars. May opportunity eh. Bakit di subukan? 

"Kala mo ikaw lang ang may night shift?..."

-Ay hindi po. Alam ko po na madami pa po ang may mga night shift. Hindi po namin sinosolo.

"Buti nga kayo salitan ng shift, ang mga teachers matutulog alas onse ng gabi, gigising 4 ng umaga, ballpen at papel ang kaharap.."

- Buti nga po kayo natutulog. Hehe. Actually, may times, nurses have to endure straight shifts, 24 hours, ngangey walang tulog. Sira ang body clock kung meron pa ba kami nun. Gigising ng gabi kasi umaga na natulog. Pasyente ang kaharap. Kahit naghihingalo na kelangan mo harapin, harapin ang pasyente at harapin ang responsibilidad para irevive yun. Well, I'm not saying na mas hirap kami, my point is, we all have our own struggles and the best way to somehow lighten them up is by giving respect nalang to each other. Oh, ang mga call center agents, puyat rin yan, kelangang makipagdeal sa mga irritable na callers while keeping their composure. Sira din tulog. Oh, ang mga engineers, maaring may shifts, maaring the usual 8-5 job pero kung anu anong mga makinarya ang kaharap. Pag nagloko, kulang nalang maloko narin sila. Oh, ang mga doctor, gaya namin, maraming panahong wala ring tulog ang mga yan, sa balikat ng mga yan nakasalalay ang malaking bahagi ng ikagagaling ng pasyente. Kung may pasyente silang di gumaling gumaling, di ba masakit sa kanila yun? Bago matulog ang mga yan, kung nakakatulog pa, di ba nila naiisip mga pasyente nila? Oh, ang mga abugado, jusko minsan may mga death threat pang natatanggap ang mga yan, pero ano? Sige parin maipagtanggol lang ang tama. Nagkandaluka na mga yan kakasaulo ng mga batas. Samantalang tayo preamble palang reklamo na. Oh, ang mga pharmacist, shifting din, kelangang alam lahat ng gamot, generic at brand name, kung para san. Sa libo libong mga gamot na yan, ikaw kaya di maluka dyan? Minsan nga pangalan pa lang ng isang gamot di na natin mapronounce. Oh, ang mga medtech, round the clock din ang trabaho, kelangang tama ang pagkuha ng specimen, tama ang paganalyze, nakasalalay din sa mga yan ang ikagagaling ng pasyente. Pag gusto silang sapakin ng kinukunan nila ng dugo may magagawa ba sila? Oh ang mga accountant,tingnan ko kung di ka maluka pag ikaw nagcompute ng mga pinagcococompute at pinagauauaudit nila pag end of season. Kung satin ang end of season eh magandang pakinggan dahil sa sale,sila? ano? Computang magaling! Keri ba nating yon? Oh ang mga architects, ikaw kaya magdrawing drawing dyan at mag isip pano tatayo ang building at sarili mong bahay, diba mas gugustuhin mo na lang tumira sa lilim ng puno ng mangga? Puyat din mga yan! Oh, ang mga nasa corporate world,  8-5 ang trabaho pero kadalasan may overtime, maghapon nakaupo at nakaharap sa computer. Grabe rin ang hirap ng mga yan. Di lang computer ang kaharap ng mga yan, pati mga sandamukal na demands at deadlines ng mga bossing nila. Eh tayo nga minsan mautusan lang, sisinghal na. Oh, yang mga nasa sales, maliit man o malaki, mula sa ahente ng lupa hanggang sa ahente ng sago't gulaman sa kanto. Walang client, walang kita. Walang bibili, nganga na bulsa nasasayang pa paninda. Ano? Di ba nahihirapan ang mga yan? Oh, ang mga mahal nating kasambahay, maghapong naglilinis, eh alam naman nating di nauubos ang gabok. Sunod sa utos dito at doon, pero ano? Patuloy parin sa kasipagan. Tayo nga minsan, pagwalisin lang ng magulang simangot na kulang na lang nguso natin ang ipangwalis ng sahig. Oh eto pa, ang mga butihing housewife at house husband, ano nasa bahay lang? Kung di mo bantayan at alagaan ang anak mo lalaki ba ng maayos yan? May mga gusto rin silang gawin na di nila magawa, di ba sila nafufrustrate. Wala silang day off. Wala silang timecard. Kasi kelangan 24 hours andyan sila. Actually, lahat tayo puyat! Yun lang din kasi yon!

Ano? Wala tayong karapatan na magreklamo at magkumpara. Kasi, paginiisa isa mo ang mga yan, pare pareho lang. May kanya kanyang hirap, iba iba lang ng larangang ginagalawan. Common denominator? (Wow LCD? GCF? Haha!) Lahat nararapat tumanggap ng respeto.

"Ikaw nagbabantay lang ng iisang pasyente na nakahiga lang.."

- Ay wow din dito! Haha! Personally, mas gusto ko magbantay ng nakaupo at naglalakad na patient kesa yung nakahiga lang. NAKAHIGA LANG. Jusko, comatose? Ano GCS? Di nyo ba alam na mas nakakastress para sa amin na bantayan yan dahil alam namin na mas delikado ang lagay nila. Mas marami silang pangangailangan at marami kaming dapat punan. Iilang pasyente? Wish lang nga namin eh. Kaso dito sa Pinas, ang nurse to patient ratio minsan bente, trenta, minsan higit pa. Oh yung isang pasyente kelangan isuction, yung isa due ng tatlong meds, yung isang patient kelangang iprep for OR. Tatlo pa lang yan. Isipin mo kung sampu na o dalawampu na. Kaya wag nyo sabihing nakahiga lang. Ikaw nga, lagnatin lang kamaganak mo, taranta ka na sa pagpapainom ng Biogesic at pagluluto ng sopas o Payless (Payless talaga? Haha!) para mapakain. Eh kami? Pano pag may Cancer pasyente? pano pag biktima ng VA (Vehicular Accident)? pano pag may gangrene? Buti may huwisyo pa kami diba. At sa bawat namamatay na pasyente, para narin kaming sinaksak sa puso tulo ang dugo. Di kami dapat magpaapekto bilang parte ito ng trabaho pero masakit teh. Gaya ng nararamdaman nyo pag bumabagsak ang estudyante nyo, mga triple pa nyan. Haha!

"Eh kami nagbabantay ng 60 na batang parang kabayo na nakalabas sa kulungan..."

- Makakabayo naman! Bat di ipagkarera?! Hinete po ba kayo? Char lang! Gets namin ang hirap nyo at ang galing nyo po dahil kaya nyo mamanage yan. Saludo po kami sa inyo. Mas okay pa nga atang magbantay nga 60 na kabayong lumalabas ng kulungan kesa magbantay ng 60 na mga pasyenteng alam mong ang isang paa eh nanganganib na mabaon sa hukay.  Hay life.

Okay, bottomline is. We all have choices. We all have our own professions. Instead of comparing ourselves with each other, bakit di na lang natin ichallenge ang sarili natin. There is no greater competition than yourself. Imbis na magpaututan tayo ng kanya kanyang galing, challenge mo na lang ng sarili mo. Outdo yourself! Excel in your chosen field, and maybe, just maybe, by doing so, this country can get better.

Come to think of it, imbis na magwaste ka ng time kakapuna ng mga ibang propesyon, bat di mo galingan sa napili mong propesyon. Naggrow ka na bilang isang guro, mas natutukan mo pa ang mga estudyante mo. Kung nars ka naman, naggrow ka na bilang isang nars, mas natugunan mo pa ang mga pangangailangan nga mga pasyente mo. Compare mo ang dating sarili mo sa sarili mo ngayon. (Ano daw? Magulo pero igets nyo.) May improvement ba? If wala, work on it. If meron, still continue working on it and for sure, you'll reap the fruits of your hardwork.  With what you do, you are building your own path to success.

Basta ang summary lang nito: "Huwag mag-away, sayang ang laway."

K na?

Yun lang. Saya Diba?

Nagmamahal...ang bilihin,
April, 
Ang Nars Na Di Abot Ang Tuktok ng IV Stand

Miyerkules, Hulyo 1, 2015

CONRADO'S : All Day Breakfast Sa Servings Na Pang Brunch!

Grabe kasi. Gumana nanaman tong kaimpulsivan ko! Binisita ko ng dalawa kong pinsan sa bahay at dahil kating kati ako umalis, niyaya ko sila tsaka mga kapatid ko kumain. At kamusta naman ang nakarating kami ng Lipa in our full pambahay glory! Haha! Pero ang saya naman. Ang dudugyot lang namin. So I saw a few posts about CONRADO'S on Facebook, at bilang dakilang gala ako, dun ko dinala mga tropang pambahay. We arrived at the place at around 6:00 PM. Nasa 2nd floor sya ng Kris Kat Salon, sa street ng P.Torres. Madali naman naming nahanap. Nung time na yun, nagsesetup narin ng mga pop-up food trikes (Haha! Ano daw kasi?) ang mga tao sa kalye kasi dun din ang Night Market! Pag-akyat namin, nagulat kami.

In all fairness to the place! Hangganda ng ambiance a! Lumebel sa ilang mga breakfast restos sa Manila. Akalain mong may ganto sa palengke? Nakakatuwaaa! Ang sarap sa feeling makadiscover ng mga ganitong hidden places na kabonggahan talaga. Bago kami umorther, nagpicturan muna kami talaga kasi nga ang cutie ng place! May pagkavintage something. 

After naming tantanan ang pagseselfie, go na sa orthers. Haha! I ordered Sausages with Egg and Toast, yung iba naman sa mga tropang pambahay, nagBacon with Egg and Toast and may nagPancake lang din. Iced Tea is P40 na nakalagay sa shala at cutie mason jars! Yung Sausages with Egg and Toast and Bacon with Egg and Toast is nasa P160 per orther. Average price, naisip ko nung una. Yung Pancake na solo, P90. Naisip ko naman nung una, ay parang mej mahal.  BUT THEN AGAIN NAMAN.

Nung sinerve samin, nganga kami. Kasi, galit sa laki yung food!Ang dami talaga ng servings! Di sya pangbreakfast lang, malabrunch na te! Yung tipong pasal ka sa gutom at tanghali ka na nagising, abot na sa lunch. Eto yun. Etong eto! So binabawi ko ang naisip ko nung una, di sya average price or mej mahal, murang mura teh! Sulit na sulit!

Tingnan nyo naman kasi oh!



Sausages and Egg with French Toast 
Ang bongga naman kasi ng serving size teh! Ang sarap nung sausages! Yung egg din creamy sya! Annnnd ang French Toast with Butter? Sinalo nya mga half ng kabonggahan ng platong to! 

Verdict: Ang sarap. Yun na yun.


Oh eto yung top view ng lahat ng inorder naman! Tingnan nyo yung solo pancake sa taas! Sulit na sulit naman ang P90 mo jan teh kasi parang isang buong kahon na ng Maya Hotcake Mix yan! Kalokaaa ang laki. Mas malaki sya sa face ko. Ganun sya kalaki. Yung Bacon, tuwang tuwa ang kapatid ko kasi ang sarap. Tapos from the looks of it palang, parang ang lutong lutong na! Yung Iced Tea, may something silang nilagay to make it taste authentic, hindi yung parang timplado lang, kaya bet! Check! Ang pasabog pa dito, ang sabe ni ateng server and cook (all around sya grabe! bongga ka teh!) HOMEMADE daw lahat ito! Kahit the butter! So mas lalo syang bumongga sa part na yun!

Overall, ANG SARAP. Sulit pa. Pag nagcrave ka ng breakfast food derecho ka lang dito kasi bongga. Busog ka na ang ganda pa ng selfie mo dahil sa cutie place!


CONRADO'S ALL DAY BREAKFAST
2nd Floor, KrisKat Salon, P. Torres St., Lipa City, Batangas

MT. GULUGOD BABOY : Hike Pa More! Ginusto Namin To Talaga!

So ganito yan, natripan naming magpipinsan na umakyat ng bundok dahil ang tapang namin at wala kaming magawa (Yung pangalawa lang talaga ang rason. Haha!) Eh di search search kami ganyan, ng mga bundok na pwede naming akyatin bilang mga "newbies" (Taray!) pa kami sa hiking. Madami rin kaming naging options before namin mareach ang final decision. Naisip namin pinakauna, Mt. Makulot dito sa Cuenca. Eto pinakamalapit eh! Kaso, may mga nawawala nga daw dyan tapos may mga naligaw ligaw din. Shokot naman kami nun, jusko gusto ko pang makauwi ng buhay. Next na mga nasearch namin, Pico De Loro sa Cavite. Wow! Taas ng pangarap! Dun agad dun sa may hiwalay na bato na magrarapel pa ata ganyan. Ang layo pa! Syempre ekis. Next, Mt. Batulao. O sa Nasugbu yan. Mej malayo din so nagkatamaran. Etong Gulugod Baboy, malapit lapit! Anilao, Batangas lang to. Eh di ayun, tapos nagatungan pa ng mga nabasa namin sa blogs na "for beginners" daw tong bundok nato. Nadama namin ang calling. Ayun, pumunta kami.

Kung magbabyahe kayo, dapat super aga. Sakay kayo ng bus puntang Grand Terminal and from there jeep to Mabini then trike to Philpan Resort sa Anilao. Malapit dun kasi yung drop-off and registration area before kayo umakyat. Syempre, dapat agahan para hindi kayo abutin ng tanghaling tapat sa peak at magkandatunaw tunaw at lagkit kayo doon. I suggest alis kayo ng around 4-5AM. Kami kasi, nakampante, napasarap ng tulog, 6:30 kami umalis! Mga feelingero at feelingera lang! Haha! May dala naman kaming sasakyan kaya medyo mabilis ang byahe.

From Tollway, derederecho kami hanggang San Pascual, Bauan at go pa more hanggang Mabini. Mafifeel at malalaman nyo namang Mabini na pag kita nyong tabing dagat na mga teh. Pagdating nyo sa may arko sa Mabini, malapit dun sa pier, meron kayong kakaliwaan na daan at dederederechohin nyo yun pataas. Kala ko nga yun na yung hike. Haha! Medyo sinesemento yung ibang parts ng daan kaya expect na may patigil tigil effect. Nakarating kami sa taas sa may PhilPan Resort, at around 8 AM. Ang protocol dapat paparegister kayo sa kapitan (Syempre mamaya mawala kayo bigla or papakin kayo ng mga kambing at baka sa taas, para manote kayo) then magbabayad ng P20/head. Eto namang mudra ko ihinabilin pala kami sa Kapitan kaya ang paVIP lang namin jusko nakakahiya. Haha! May parking area din naman kaya no worries sa mga may sasakyan. Kung di ako nagkakamali, P50 ang parking.

Oh di palit palit kami ng mga outfit ganyan, ayos ayos, labas labas ng mga shades at sumbrero. Kaloka hindi to outing! Haha! At ayun na pinrepare na namin ang sarili namin sa pag-akyat. Inaakyat palang namin yung sementadong daan, may mga hinihingal hingal na. May gusto na mag "Rest muna tayo guys!" Ayan kasi! Tatapang eh! Di muna nagcardio bago maghike!


Oh ayan, sa umpisa sementado pa at hindi pa masyado maslope. Nakakasmile pa kami ng ayos. Ewan ko lang sa mga susunod na daan. Haha!



Kalukahan ng mga pinsan ko, pagkita dito sa rock formation something na ito, nakasigaw sigaw ng "Uy nandito na tayo sa Dubai!" Hahaha!


Oh eto, kung gusto nyo ng divine intervention mula sa mga Kuya, pwede kayo maghire ng guide at porter o yung mga tagabuhat ng gamit nyo lalo na kung magoovernight kayo. At, take note nagpapaupa pa sila nga mga tent at sleeping bag sa halagang P350. Oh, yung guide daw one way, P350. Yung back and port (Kasi nga porter sila wag kayong ano!), P700 kasi nga naman itimes two mo. Hindi na kami naghire ng guide kasi ang yabang namin. Haha! Pero in fairness kahit puro mga bagets kasama ko, actually sige na nga, bagets kami lahat, di naman kami naligaw! Kaya keri na rin. Siguro mas applicable to if madilim na kayo maghihike tapos ang dami nyong dala kala nyo magtotour kayo sa ibang bansa.

So ayun, lakad ng lakad, pataas ng pataas at nakakaramdam na kami ng sakit ng hita. Yung gastrocnemius ko nagmumura na, di lang sa laki kundi sa sakit kaya ayun, takbo sa rest area. Yes, you heard that right mga tih! May rest area naman sila at certain points of the hike. May upuan, may bubong at may tinda pang mga refreshments! May halo-halo ditong masarap ang ube! Nako sinasabi ko sa inyo, makikita nyo yun sa pangalawang rest area na may katapat na malaking sementadong bahay. P15 o P20 ata ang Halo-Halong iyon, ay pagkasarap ng ube. 


Ayan, eto ang view nung nakakautay na kami umakyat. Ganda no? Parang Santorini na puro puno. Charot. 


Inabot na talaga kami ng init dahil sa 8 AM na kami nagstart umakyat. Actually may mga nakakasalubong na kaming pababa that time. Malamang madaling araw nagsiakyatan mga yun. Sabi pa samin nung isang ateng nakasalubong namin, "Enjoy, while it lasts!" Napangiti ako. Kasi di ko nagets! Haha joke! 

Sa totoo lang, nakakapagod pero masaya, masarap yung feeling ng pinapawisan at nakakatawa kasi ang daming moments ng mga magugulo kong kasama. Dapat ganun, pag maghihike kayo mga barubal din isama nyo para kagulo at masaya! Di nyo masyado mafifeel ang pagod. Kasi, pag may nadulas tatawanan nyo tapos ayun parang nagrest na kayo. Haha!

Matarik ang ibang areas. Shunga kami di kami nagdala ng rope. Kaya if may medyo matarik na areas, may we hold on together na lang. Nagpulot din kami ng mga stick. Sabi kasi ng mga pinsan ko nakakalakas daw at nakakatulong! Wow mapaghimalang stick! Haha! Mas madali kasi tumuon sa lupa pag may stick at kontra dulas din.

Oh, di mga laglag dila na kami at muka ng aso. Takbo kami sa rest area ulit. Bili ng softdrinks na tig bebente at nagpahinga muna, umupo, nagkwentuhan, lumandi, nagpunas ng pawis. Susyal nga tong rest area na to may duyan! Damang dama ko ang duyan! Sobrang presko! Awa ko sa kanya dahil kelangan nya ko buhatin. Tawang tawa pako kasi yung mga laman laman ng pata ko lumulusot sa mga criss cross na tali mukha tuloy hamon! Merry Christmas sakin diba? Hahaha!


Ayan eto kami, yung kapatid ko kumuha ng pic. Ako yung hindi nakatingin dyan. Hahaha pusa pala?!


Dun sa rest area na may duyan, nagbebenta sina koyang ng stick na ganito, yung may fan sign nya for only P20. 

After mga 10-15 minutes sa rest area, at after mag-ipon ng lakas, akyat nanaman kami. Medyo matatarik na talaga ang mga obstacles! Haha! Pero keri naman! Dapat lang wag mamadali tsaka kapain nyo ng ayos yung lupa, wag basta tapak ng tapak kasi may areas na madulas talaga. Wag nyo kalimutan magdala ng sandamakmak na tubig, tuwalya at tali. Wow 3Ts. Dami kong sinasabi! Haha! Tapos malaking bagay yung sapatos nyo, dapat di madulas, Yung mga tiny grips yung ilalim. Malaking bagay sya kasi at malaking tulong sa pag-akyat. 

So eh di ayan, hingal dito, rest doon, pawis dito, inom doon! Umakyat kami ng 8AM and by around 10 AM nasa peak na kami! Sulit naman at tanggal pagod sya teh dahil sa ganda ng view! Nakakaloka! Syempre picturang matindi, Kineber ang init basta makapagselfie ng inam!


Oh! Pak! Kitang kita yung pata ko from afar! At look naman how blue the dagat is! So prettyyy!


Pang-wallpaper / postcard byooti!


Drama effect ng punong ito!


Nakakaloka naman! Sa opposite side nung dinaanan namin, may way pala for vehicles! AKALAIN MO YON! Pero di naman kami gaano nanghinayang, mas bet ko parin yung inakyat namin. At least masasabi naming naghike talaga kami ng bongga! Naburn pa fats namin! Dito sa way ng sasakyan na to, in 5-10 minutes nasa peak ka na kamusta diba? Haha!


Naalala ko yung view sa Cape Bojeador Lighthouse sa Vigan sa view na ito. Nga pala, yung maliit na islang yun sa gitna, yun ang Sumbrero Island. Pede kayo magdaytrip dyan. Hire lang kayo ng boat tapos pede kayo magswim at magpakasawa sa kaseselfie jan. Not sure about the price kasi nadaanan lang namin yan nung nagpunta kaming Sepoc Beach. Super white sand dyan!


Ang taray ng clouds namaaaan! Tsaka nung mga damo! Feeling ko Batanes or New Zealand. Papasa tong New Zealand sa dami ng baka dito sa taas eh!


Verdict: Overall, bonggang experience! Kapagod pero super fun for my first hike ah! And kung mahilig ka talaga sa adventure mawiwili ka dito! And, tipid trip to ha! Well, lalo na sa amin na taga Batangas lang. Bring your friends, family, jowa, kawork, lahat na! For sure, kahit nakakapagod mageenjoy naman kayo. The view from the top is always worth it. :)

Yun lang! Saya diba?

-April ;)

MT. GULUGOD BABOY
Anilao, Mabini, Batangas