Miyerkules, Hulyo 1, 2015

CONRADO'S : All Day Breakfast Sa Servings Na Pang Brunch!

Grabe kasi. Gumana nanaman tong kaimpulsivan ko! Binisita ko ng dalawa kong pinsan sa bahay at dahil kating kati ako umalis, niyaya ko sila tsaka mga kapatid ko kumain. At kamusta naman ang nakarating kami ng Lipa in our full pambahay glory! Haha! Pero ang saya naman. Ang dudugyot lang namin. So I saw a few posts about CONRADO'S on Facebook, at bilang dakilang gala ako, dun ko dinala mga tropang pambahay. We arrived at the place at around 6:00 PM. Nasa 2nd floor sya ng Kris Kat Salon, sa street ng P.Torres. Madali naman naming nahanap. Nung time na yun, nagsesetup narin ng mga pop-up food trikes (Haha! Ano daw kasi?) ang mga tao sa kalye kasi dun din ang Night Market! Pag-akyat namin, nagulat kami.

In all fairness to the place! Hangganda ng ambiance a! Lumebel sa ilang mga breakfast restos sa Manila. Akalain mong may ganto sa palengke? Nakakatuwaaa! Ang sarap sa feeling makadiscover ng mga ganitong hidden places na kabonggahan talaga. Bago kami umorther, nagpicturan muna kami talaga kasi nga ang cutie ng place! May pagkavintage something. 

After naming tantanan ang pagseselfie, go na sa orthers. Haha! I ordered Sausages with Egg and Toast, yung iba naman sa mga tropang pambahay, nagBacon with Egg and Toast and may nagPancake lang din. Iced Tea is P40 na nakalagay sa shala at cutie mason jars! Yung Sausages with Egg and Toast and Bacon with Egg and Toast is nasa P160 per orther. Average price, naisip ko nung una. Yung Pancake na solo, P90. Naisip ko naman nung una, ay parang mej mahal.  BUT THEN AGAIN NAMAN.

Nung sinerve samin, nganga kami. Kasi, galit sa laki yung food!Ang dami talaga ng servings! Di sya pangbreakfast lang, malabrunch na te! Yung tipong pasal ka sa gutom at tanghali ka na nagising, abot na sa lunch. Eto yun. Etong eto! So binabawi ko ang naisip ko nung una, di sya average price or mej mahal, murang mura teh! Sulit na sulit!

Tingnan nyo naman kasi oh!



Sausages and Egg with French Toast 
Ang bongga naman kasi ng serving size teh! Ang sarap nung sausages! Yung egg din creamy sya! Annnnd ang French Toast with Butter? Sinalo nya mga half ng kabonggahan ng platong to! 

Verdict: Ang sarap. Yun na yun.


Oh eto yung top view ng lahat ng inorder naman! Tingnan nyo yung solo pancake sa taas! Sulit na sulit naman ang P90 mo jan teh kasi parang isang buong kahon na ng Maya Hotcake Mix yan! Kalokaaa ang laki. Mas malaki sya sa face ko. Ganun sya kalaki. Yung Bacon, tuwang tuwa ang kapatid ko kasi ang sarap. Tapos from the looks of it palang, parang ang lutong lutong na! Yung Iced Tea, may something silang nilagay to make it taste authentic, hindi yung parang timplado lang, kaya bet! Check! Ang pasabog pa dito, ang sabe ni ateng server and cook (all around sya grabe! bongga ka teh!) HOMEMADE daw lahat ito! Kahit the butter! So mas lalo syang bumongga sa part na yun!

Overall, ANG SARAP. Sulit pa. Pag nagcrave ka ng breakfast food derecho ka lang dito kasi bongga. Busog ka na ang ganda pa ng selfie mo dahil sa cutie place!


CONRADO'S ALL DAY BREAKFAST
2nd Floor, KrisKat Salon, P. Torres St., Lipa City, Batangas

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento