Huwebes, Hulyo 28, 2011

Happy Birthday Lola Violy! :'(

Mejo seserious muna ko slight a?
Birthday ng lola ko ngayon! Pero wala siya dito eh. Kaya may sad face na may muta. :'(
Nasan siya?

Wala siya sa compshop, di siya nagfafacebook o DOTA dun.
Wala siya sa mall, di siya nagsstroll.

Nasan siya? Andyan sa likod mo!
*plays nakakagulat na music*

She passed away last January 2003. :(
And namiss ko siya bigla, sobra. Pano ba naman, it's been 8 years men! 8 years!

Just a short background ng relasyon ko sa lola ko:

Si Lola, lola ko siya sa mother side (alangang lolo?) Sa kanya ako halos lumaki nung bata kahit nung lumaki. Pag nasa work parents ko, sa kaniya ako naiiwan. Sa bahay nila kami tumira ng ilang taon nung wala pa kaming bahay. Teacher siya kaya disiplinada, pero saksakan ng bait. Teacher siya, kaya magaling gumawa ng yema. Teacher siya kaya napapagpraktisan nya akong apo nya sa pagtuturo ng kung anu ano. 3 years old pa lang ako, para nakong may classroom sa bahay ng lola ko. Pag wala kaming magawa, tuturuan nya ko, lalo na ng mga tula. Kaya utang ko sa kanya ang kadaldalan ko ngayon, ang lakas ng loob ko magsalita sa harap ng tao, ang hilig ko sa public speaking. Sabi niya namana ko din daw sa lolo niya, si great grandpapa na mahilig din dun. Ayun, tandang tanda ko pa ang mga tinuro niyang, "Ang Aso Kong Mataba", "All Things Bright And Beautiful". Tapos nung pumasok na ako (na nakadiaper pa, para sure) nung 4 years old, siya madalas sumusundo sakin tapos higit higit nya ako sa palengke at lagi kaming kumakain sa Jollibee o kaya sa paborito niyang pansitan sa palengke. Pag lolo ko daw sumusundo sakin nung bata, kinukurit ko daw kasi ayoko. Sutil at malditang bata. Pag si lola, gustong gusto ko. Favorite eh. Kaabay ko pa siya lagi sa pagtulog dati. Kahit nung lumaki na, pag weekend sa kanya ako natutulog at nagkukwentuhan kami. Pag papasok nako, may extrang baon pako galing ke lola. Groovy yan eh! Tsaka rich kid. Haha. Ay tanda ko pa, pakialamerang bata ako nun, gustong gusto kong magluto, at si Lola ang unang nagturo sakin pano magluto ng napahirap na dish na "instant noodles".

Matago tong si lola eh. Full of surprises. Kaya nalaman na lang namin isang araw, may bukol sa dibdib, at napapansin naming medyo nagiging bloated at edematous ang iba't ibang bahagi ng katawan. Hay. May jabetis siya. Nalaman na lang namin sa doktor na nagkaron na ng komplikasyon nung biglang hindi makahinga si lola at nagdeliryo kaya mega sugod kami sa hospital.

Noong namaalam si Lola, grade 6 pa lang ako nun. Una kong exposure sa ICU. Nung nalalapit na ang huli nyang sandali, sabi nya magpapatangkad daw ako (lola, sorry ayaw na po talaga eh) tsaka gusto nya nga raw sana nandun siya sa debut ko. Hay. Walanjo, nun lang ako umiyak ng ganun kaintense! Di ko pa gaano naiintindihan ang sitwasyon noon pero dama ko, malakas pakiramdam ko, di na maganda nangyayari. Kaya isang araw dali dali akong pinapunta ng mga magulang at tito at tita ko dun dahil yun nga. Time to go na si Lola dear. Isa sa mga napakalaking dagok sa buhay ko yun. Di ko alam pano ko kinaya pero malamang tinulungan din ako ni Lola. Tsaka, yun ung naging dahilan bakit napakamasayahin ko ngayon. Mula nung mawala si Lola, iba naging tingin ko sa buhay, dumaldal ako at talagang nahilig magpasaya ng tao. Kaya ako ganto ngayon, malaking bahagi si Lola ang may kasalanan (nanisi? haha). Kaya yun.

LOLA! Miss na kita bongga, intense, sobra! kabilis ho, akalain nyong 8 taon na pala ang nakakaraan Di ko man ho natupad ang nais nyo na maging doktor ako, eto po nurse na si Apyo. Di ko man kayo naalagaan bilang nurse, hayaan nyo po, di ko po pababayaan ang ating angkan (hala umaangkan?!)haha. I miss you kaduper lola! I love you! :)

Martes, Hulyo 26, 2011

ASO


( ang pogi mo spotty ah. Kunwari ka pang di mo alam na pinipicturan kita. Landi mo.)

ASO

Hindi ito ang nasasabi mo ng malakas pag binabahing ka, “ASOOOO!”
Hindi rin ito ang nasasabi mo pag di ka naniniwala sa kwento ng kaibigan mo at tingin mo nagbabarbero sya, “Asoooo? Di nga?!”

Hayop to. May picture na nga eh!!!
Man’s bestfriend. Can also be man’s look-alike.

Oo hanga talaga ako sa talino ng mga aso sa gilas nila and all. Magaling, natuturuan, maasahan, para talagang tao din. Fumefriend. Kaso hindi ko alam sang lupalop ko nakuha ang malaking takot ko sa aso. As in. Di naman ako nakagat. Pero may mga hinuha ako kung san ko to nakuha. Pano ba naman kasi nakagat ng aso yung mommy ko nung dalaga sya, so feeling ko kinagat narin ako? Sweet. Hindi yon, eh narinig ko nga sa kwento ng nanay ko ung experience nya sa aso kaya natakot talaga ako. Tsaka ewan ko ba ung mga aso pag nakikita ako, tumatahol! Ito talaga ang pinakaayaw kong parte sa aso eh, ung tatahol ng buong galit at pagpapakita ng shiny white teeth coated with laway. ¼ sheet! Talagang kumakabog na dibdib ko pag ganun. Kahit sa tuta? Sorry takot ako talaga. Basta nagsimula nang magkaroon ng kapasidad ang tuta na tumahol at may baby teeth na, takot na ako sa kanya.

Hindi naman sa ayoko sa aso pero iba talaga ang takot ko sa kanila. Fumophobia level. Yang mga spider tsaka ipis without wings? Sows. Di ako takot jan. Daga? Di din gaano. Pero aso talaga. Iba. Nakahanap ako ng katapat sa aso. Tanda ko nga dati nung high school, may practice kami ng sayaw sa bahay ng kaklase ko. Eh pagbaba nami ng sasakyan, may ASO. Syempre nagdasal agad ako at dali daling sumampa sa likod ng kaklase ko papasok ng bahay. Ganun ako katakot sa aso. Hindi ako nagiinarte nun ah. Takot talaga ko. Minsan napapaluha ako sa takot pag may mga asong parang kasali sa race na nakaready set go position para mangagat akong nakikita. Karumal dumal talaga.

Pero ngayon I’m trying to overcome my fear. Syempre paunti unti nakikipaginteract nako sa mga aso. Minsan chat kami ganyan, minsan tinatanggalan ko sya ng garapata tapos pinapapak ko Ganun, bonding kami. Sweet. Kasi ung aso naming si Spotty, ang bait. Sa tuwing magpapaload ako sa tindahan , tatakbo yan , magssprint! Eh syempre kakabahan ako akala ko dadambahan ako, yun pala, uuna na sa gate, ieescort ako. Sorry, escort service ito! Haha. Minsan bubuksan pa nya ung gate, tapos sasabayan nya ako maglakad papunta sa paloadan. Dun ako nainlove sa kanya. (nainlove talaga sa aso?. Haha). I mean dun ko inopen ang sarili ko sa pagovercome ng takot ko sa aso. Kaya ngayon nag dedesensitize na talaga ako, paunti unti. 

LONG O SHORT?



Hindi ito yung sinasabi ng tindera sayo sa tindahan pag bumibili ka ng oslo o bond paper.
Hindi ito yung tinatanong sayo ni manong pag magpapaphotocopy ka ng handout.
Hindi rin ito yung sinusulat mo sa NCP mo na mga objectives.
At lalong hindi ito tumutukoy sa height ninuman!!!! *walks out*

*comes back*
Okay, buhok lang to brad. Wag kung anu ano isipin ha? Ano ba ang mas gusto ng karamihan, long hair o short hair? 1 WHOLE SHEET NAMAN! Ang laki pala ng inikli ng buhok ko nung nagpagupit ako. Ayan o! Nyemas. Bakit nga ba ko nagpagupit? Mainit eh. Tsaka for a change. Sabagay sawa narin ako sa pagpaparami at pagaalaga ng mga split ends, tsaka nga naman, mula first year, long haired ako. Try ko namang mejo maging kinda short haired. Wala pa akong naiipong lakas ng loob para magpamega short ng hair. Saka na lang muna yon.

Maraming mga survey at mga survey pa (sobrang dami kasi) ang nagsasabing karamihan sa babae gusto, long hair. Bakit daw ba? Eh kasi sekseh tingnan. Nung nakita ako ng ninang ko matapos akong magpagupit ng short hair. Para nya kong minumura sa tingin, sabay tanong, “BAKIT KA NAGPAGUPITTT?!!” mejo boses monster na slow mo ang dating. Haha. Eh mas bagay daw sakin yung long hair. Lalo daw kasi lumalaki ang mukha pag short hair. So ibig sabihin malaki ang mukha ko?!! Ah oo. Di ko naman maikakila yan, tingnan mo naman tong tinabaang panga ko diba. OO AKO NA MAPANGA! Masarap kaya sa isda ang panga! Parang ako din. Haha. Patabas kaya ako ng konting panga tapos bebenta ko sa isdaan para pwede nako magshort hair! Yay!
Sabi naman ng mga kaibigan ko, okay daw sakin ang short hair. True friends sila. Kaya sasabihin naman nila kung pangit sakin ang buhok o tatawanan na lang nila ako hanggang sa maubusan sila ng hininga kung pangit. Eh mukhang okay naman. Syempre sabi ng nanay ko,” Anak, bagay sayo!! *with sparkling eyes*” . Sa isip-isip ko naman, ay ma, nanay nga kita!

Eh kanya kanyang trip naman yan sa buhok eh. Walang pakialamanan. Pero parehong maganda ang length na yan. Naaassociate ko sa parehong magandang personalities. PAg long hair, sekseh mo te, pangcommercial ka! Pag short hair naman, mejo sporty, adventurous ang dating, tough type, cool men! Parehong may kagandahan, kaya ikaw na ang bahalang humusga kung ano ang ibabagay mo sa sarili mo. Parehong may malaking tulong na nagagawa sa kalikasan. Pag long hair ka, tumutulong ka sa ecosystem because you serve as a shelter, shelter para sa mga kuto, garapata at kung anu ano pang insekto na naghahanap ng kalinga na sa buhok mo lang matatagpuan. Pag short hair ka naman, isipin mo kung ilang mga taong nalalagasan ng buhok ang matutulungan mo dahil sa nagupit mong buhok. O diba? Helpful in both ways! Eh kahit alin man jan igupit mo, sabi nga nila, nasa nagdadala lang yan. Keri mo yan te.

Lunes, Hulyo 25, 2011

A Concert For A Cause

Concert. Ano nga ba ang concert?

Hindi ito yung mga bumabagabag sayo in your daily life at yung tinatanong sa inyo ng teacher nyo after class, " Do you have any concerts about the topic?"
Hindi rin ito yung sakit na talagang nakakamatay at talagang marami ang nagpapakasakit. "Doc ano po bang sakit ko? Doc?!!" "Miss, sorry to say, you have concert, stage 3"

Ito ay isang event, kantahan, minsan may sayawan, minsan may actingan ng konti. Ito ay pinipilahan ng mga tao ang talaga namang nakakaenjoy. Mga sikat na tao ang kadalasang nagcoconcert, mga artista. Sana balang araw ako din magkaganyan, concert. hindi yung sakit a?!!

Anyway speaking of concert, OHMYYYG may concert ang Spongecola at si Jed Madela on August 20 sa LPU dito sa Batangas. Friends and fellows, sana makapunta kayo ha! Gagawin natin masaya ito, it will be hosted by yours truly. (Sino ba si yours truly? Malay.) Yee! Dali! Sana makapunta kayo ah! Eto kung san kayo makakabili ng ticket:

 Yee. sa totoo lang sobrang excited ako dito. I know this'll be alot of partying and fun! Woohoo. :)

BROWNOUT!!!!!

Hindi ito pangalan ng aso, gaya nito, "Brownout! brownout! chooo! choo!"
Hindi rin ito pastry na color brown at tadtad ng nuts. Punta ka red ribbon tapos bili ka, "Miss miss, do you still have brownouts?"

Kondisyon ito. Isang kagimbal gimbal na pangyayari para sa mga taong ang buhay ay nakasalalay sa mga bagay na may kuryente.

Ang ganda ganda ng gising ko kanina! Ang aga ko nagising eh, mga mga 6am gising na ako. Kasabay ng kaingayan ng mga tao sa bahay dahil nagpeprepare sila pagpasok. Yung kapatid kong maliit, atat sabi ng wag pumasok ang lakas ng ulan! Anyway, ayun, sa sala ako nakatulog. Sala. Hindi yung kinakain nyong puro gulay at damo excuse me. Sala. yung sofa. Lagi na lang akong dun nakakatulog di ko alam kung bakit. Eh syempre dahil maaga ako nagising, bumangon nako. Kain ng breakfast.

 Sarap ng breakfast ko, corned tuna tsaka adobong poultry. Una, corned tuna. Natutuwa naman ako sa napakabright na pagiisip ng nakaimbento ng corned tuna. Pano nga ba ito naging corned tuna? Hinaluan ba ito ng mais? Wala naman akong nakita ever sa history ng pagkain ko nito. Minsan nga naisip magspend ng isang araw para bulatlatin at busisiin ang corned tuna o kahit corned beef man kung meron itong corn talaga. Kung ako gagawa ng corned tuna lalagyan ko talaga ng ebidensya na may corn sa bawat lata nito. Sweet corn pa with cheese powder.

Pangalawa, adobong poultry. Bakit poultry? dahil di lang pork adobo or chicken adobo ang ulam ko, combination ito kaya tinawag kong poultry. This is what you call, simplification in English grammar yung mga tipong instead of the bearer of the sword eh gawin mo na lang sword bearer para simple! Ang sarap ng adobo, kaya nga nagkamay ako sa pagkain kanina. Syempre naghugas muna ko dahila yoko namang mabahiran ng muta ung kanin ko at maging instant java rice ito. Ayun, enjoy ang breakfast. Aalis na lahat ng tao sa bahay nun. At syempre punta nako sa trono ko, sa computer, ng biglang,

Nagbrownout. Oo nagbrownout. SHEET. Ano na lang ang gagawin ko?
Pero naitanong mo nadin ba sa sarili mo kung ano ang brownout? ano ang pinagmulan ng salitang ito?

*nagbrownout*

Pasensiya na at nagbrownout, nabura ung itatype ko so next topic. haha umiwas sa pagpapaliwanag?

Anyway, brownout. Okay sinearch ko sa WIkipedia ang ibig sabihin ng brownout, ito daw ay a drop in voltage in electrical power supply. Susyal totoo pala. Akala ko kasi imbento lang ng mga tao ang salitang brownout. Pero may kumalaban sa salitang ito. "blackout". may point nga naman ang mga tao sa paggamit ng blackout. Hello, pag nawalan ba ng kuryente brown ang paligid? diba hindi, black? *clap clap*

Okay bilang brownout, lumabas ang batugan self ko at napagdesisyonan ko na matulog. Sarap. Kayakap ko yung "Miffy" ko. Yun ung bolster pillow na mahaba. Comfort pillow ko yun at talagang nakakatulog ako in no time dahil dun. Bakit "miffy" ang tawag ko? tanda ko kasi nung bata ako, ang unang bolster pillow ko tadtad ng "miffy" na nakasulat tapos may drawing ng cartoon character na di ko alam kung pagmamayari ba ng sanrio o abortus ng sanrio sa hitsura.Kaya yun, akala ko lahat  ng bolster pillow, "miffy" ang tawag. Yung nanay ko naman may pagkagatong din, kasi tanda ko nung bata ako, pag matutulog na ko sasabihin nya sakin, "Oh dali, eto na ang miffy mo!" HAHAHA. MIFFY. :)

Nagising ako ng alas dyis i-medya. Yung kapatid kong bata na umuwi na galing school (sabi ko ayoo eh!!!) eh nagpapaluto na ng pagkain. Syempre pinagluto ko, hello, ate ako e. Tapos sabay kaming kumain. Sweet. Tapos, kinukwentuhan nya ako. Ang daldal nya. Nakikinikinita ko na nga sarili ko sa kanya eh. Sorry naman ang pinagkukwentuhan namin, mga milyong pera, shopping ganyan... sana sa totoong buhay pero ragnarok ang tinutukoy niya. Kamalayan ko dun? kaya ako oo na lang ng oo at tanong tanong onti, na panu ba yon ? ganyan ganyan. tapos sya walang tigil. 

Eh dahil may lakad ako at atat akong maginternet, umalis muna ako ng bahay at nandito sa mall ngayon. Nasa isang compshop na parang pugon sa init. Feelingerang pandesal tuloy ako. Kala ko malamig dito nyemas! Brownout ang aircon dito. Aircon lang. sa dinami dami pa ng pwedeng mawala bakit hangin pa?!!!pwede namang ilaw.

At iyon, heto ako, batong bato at nagtatype. Obvious ba? So ayon, ang dami kong nagawang entry kagabi pero shempre nasa bahay yun para namang madodownload ko sa computer namin from here. Will put it here soon. :)

Pseudoprosthetics

Ito ang tinatawag kong,pseudoprostethics. Bakit pseudo? Kasi di talaga to totoo, improvised lang to k? Alam mo ba na basta may computer ka lang, pwede mo ng lagyan ng prosthetics ang mukha o katawan mo? Dahil jan, may I introduce to you, ang ilang mga personalities na pwede mong maging kamukha dahil sa synthetic prosthetics!

1) MAGDA of MULA SA PUSO / BAKEKANG of BAKEKANG
Magda:  "Selina!! hindi kita uurungan!!!Akala mo ba duwag ako?"
Selina: "Hoy! Matagal ka ng duwag! tanggalin mo muna yang maskara mo bago ka lumaban!"

Hala. hahaha.

Bakekang: " Ano bang mali sa akin? Maganda naman ako diba?!"
*lahat ng tao nagwalk-out*


2)MR. PRINGLES

Mr. Pringles : *crunchhhh crunnchh*

3) EX-PRES. GMA

GMA: "Ang saya saya no!" :)

4)SUPERSTAR NORA AUNOR

NA: "Walang himalaaaaa!nanditooo ang himalaaa *sa tinuturo ng daliri*

hahaha



5) BELLA SWAN (nung naging vampire)
Eh nahilig sa sweets, ayan tuloy. hahaha

6) NODDY OF MAKE WAY FOR NODDY

Make way for noddy! Noddy! fksfjsdksgkkkdjhf today, pot pot pot! :)

Gulat

GULAT. ano ang gulat? 

Hindi ito ang masusustansyang pagkain na pilit mong nginunguya habang pinipisil ang ilong nung bata ka pa.
Hindi rin ito ang tubig sa dagat kung saan kayo nagsuswimming, na pag nalasahan mo ay sasabihin mong, "Ay! Tubig Gulat!"
Ito ay isang emosyon na iyong nadarama (malamang emosyon nga eh. kainis.) sa tuwing may isang bagay ka na nakita, narinig o nasaksihan na hinding hinding hindi at kahit kailanman ay hindi mo inasahan sa mga pagkakataong yon.

Bakit ba tayo nagugulat? KASI NGA HINDI NGA INASAHAN YUNG NAKITA EH?!!!!!!
Sorry, paulit ulit kasi. Tatanung pa eh.
Ito ay bahagi na ng mga damdamin nating tao. Natural ang magulat. Kaya kung hindi ka nagugulat, magpatingin ka na, baka nandoon ang iyong ikagugulat.

Anu-ano ba ang mga kinagugulat ng tao?
Madami! Napakadami.
Araw-araw pa lang madami ka ng pwedeng ikagulat!

1) Bakit basang basa ang unan mo pagkagising mo samantalang natulog ka namang tuyo? Ito ay para sa mga taong hindi alam na naglalaway sila sa pagtulog kaya paggising ay nagugulat sa mga laway na tila gumuhit ng mapa sa kanilang mga unan.

2) Wala nang almusal. Oo nakakagulat naman talaga diba. All this time! Inexpect mong pagkagising mo may luto nang almusal sayo ang magulang mo pero makikita mong wala?! WALA! Ano na lang ang kakainin mo? Kuko mo? Sabagay crunchy naman yan.

3)Late ka na pagpasok. (Sorry, di na kashe kame pumapashok kashe graduate na kami. BWAHAHA) yung paggising mo, 10 minutes na lang time na tapos ang unang subject ay ang subject ng professor mo na nageFA ng studyante. Hala ka. 

4) Wala ka ng pera. Kahapon lang may mga kinipit ka pang pera sa singit singit ng wallet mo. Pagsilip mo ng wallet mo, wala na. Limas na lahat. Kulang na lang pati picture mo sa wallet mawala narin.

5) Nakasaksi ka ng krimen. Eto ung mga panahon na matahimik kang nakasakay sa jeep at ang ganda ganda mo kasi ang ganda ganda ng pagkakahangin ng buhok mo ng biglang nakita mo ung kaharap mo na tinututukan ng matalim ng bagay (maaring kutsilyo, dulo ng papel, mahabang kuko, ballpen, ngipin o kung anu pa man) tapos maririnig mo ang mga salitang "Holdap to! Akin na ang gamit mo!" (Mas kagulat gulat naman kung marinig mo ang mga salitang , "Holdapin mo ko! Eto na ang mga gamit ko!")

6) Ang taas ng nakuha mo sa exam! kabadong kabado ka sa kinuha mong exam. Feeling mo pa  nga bagsak ka. Tapos, nung makuha mo ang results, ang taas mo, sa sobrang taas mo, lumutang ka na sa kinatatayuan mo! Diba? Hindi inaasahan? kagulat gulat naman talaga.

7) Bigla kang nabunot ng teacher mo para magrecite sa klase. eh hindi ka handa in all aspects of your life emotionally, physically, mentally and all that?! Hala ka. eto ung mga panahong, isisigaw ng teacher mo ung apelyido mo tapos kasabay nitong lalaki na sinalaki ng bibig mo ung mata mo. Freaky.

Ilan lang naman yan sa mga kagulat gulat na bagay sa paligid. Pag may naisip ako idadagdag ko pa. Ngayon na? Wag kang demanding. Pwede magwait? 

Nakita mo na ba ang sarili mo na magulat? Subukan mong picturan at matutuwa kang talaga! :) Gaya na lang nito: 

(isang simulation, kunwari lumabas na ang results ng board exam) :)

Yehey! May Blog na Ako!

Okay. So unang post ko to sa blog ko so dapat, bongga. 



(ayan, dapat mukhang matalino sa picture)


So hello! Ako si April, 20 anyos, limang talampakan, madalas kwestyunin ang pagiging graduate ng kolehiyo. Malay ko ba sa mga tao. Pag makikita ako ng kaopisina ng nanay ko, sasabihin sakin, "Uy ang laki na ng anak mo! Anong year na nyan?" Sasabihin ng nanay ko, "graduate na yan!", OKAY NA EH! Gagatong pa yung kaopisina ng nanay ko at hihirit pa ng, "HIGH SCHOOL?". Sa oras na naririnig ko ang mga salitan "high school",  humahaba ang mga balahibo ko at kuko ko,tumataas ang buhok at gustong gusto kong kalmutin ang kausap ng nanay ko. Pero sanay narin ako. Pag may ganung sitwasyon, nginingitian ko lang ng maganda, yung mukhang inosente at natutuwa sa mga sinasabi ng kausap.

 Ay bukod sa maliit ako, yun nga graduate nako ng COLLEGE. Inuulit ko, college. Nursing ang kurso ko. Bakit? Eh ginusto ko naman talaga. Paki mo ba. Ginusto din ng mga magulang ko. Kaya bakit di natin gustuhin lahat! Haha. Masaya eh. Nga pala, gusto ko talaga noon, maging scientist. Siguro kakanuod ko ng sineskwela nung bata na minsan feelingerang ginagaya ko pa ung mga eksperimento nila don. Nung prep, yun ung nakasulat sa yearbook namin. Tapos nung lumaki laki na ako (na kaunti lamang ang nilaki at di madaling mahalata) , gusto ko naman magdoktor. Yan, talagang gusto ko yan. DATI. Idol ko kasi pediatrician ko, Si Dr. Reyes. Eh nung lumaki ako (developmentally, kasi physicall di nga halata) , narealize ko ang tagal pala bago ko maging doktor kaya dun tayo sa shortcut. Nursing. 

Hilig ko? Madami! 

Una, mahilig akong kumanta. Bakit ko inuna? Kasi yun ang hilig ko mula pagkabata talaga. Kinder. Tandang tanda ko pa, una kong nakahiligan yang kanta. Sumali ako sa duet nun. (Oo, di lang ako,syempre may partner, duet nga e.) Buwan ng Wika yun eh, kinanta namin "Ang Bayan Kong Pilipinas". Oo, wag ka nang magtanong kasi noon dinuduet talaga ang kantang yan. So ayun, kaya naging hilig ko na, mapaluma o bago, basta kanta natutuwa ako. Tapos namana ko narin siguro hilig ko kumanta. Lolo ko napakahilig kumanta eh. Imbis na gatas pampatulog nun, videoke. 

Pangalawa, sayaw. Etong hilig ko na ito, nitong college ko lang natuklasan, 1st year. Kashe deba sha mga bar, may mga dansh floor. Oo, una kong tapak ng bar nun kasama mga katropa ko nung first year, napasayaw talaga ako. At dun ko narealize, masaya pala sumayaw talaga. Although sumasayaw naman ako dati pa sa mga field demo ganyan ganyan, mass dance nung elementary hanggang high school, eh nitong college ko lang talaga nadama ang matinding pagnanais na sumayaw sayaw. Dahil choosy ako, hiphop talaga ang gusto ko. Talagang napapaindak ako ng bongga sa mga hiphop na yan, pero dahil choosy nanaman ako di basta basta hiphop gusto ko. Ang gusto ko talaga yung mga mejo slow. Hindi yung makabasag eardrums at makasakit dibdib na mga hiphop songs. Talagang di ko lang gusto ang RNB songs, talagang napamahal na sakin mga yan (parang tao lang). Tsaka pag talagang gusto ko magexpress ng nararamdaman, bukod sa pagkanta, isa ring pamamaraan ang pagsayaw.

Pangatlo, magsalita. Eto ang isa sa mga hilig ko na AYOKONG AYOKO talaga, na tigilan. Ewan ko ba anung meron sa bibig ko. Sabi ng iba mukha akong tahimik, sabi ng iba masungit daw , pero pag nakilala nyo naman ako, baka mapagod kayo sa kakasalita. Hilig ko magsalita eh. Kaya nga gustong gusto ko nagsasalita sa harap ng tao. San ako kumukuha ng lakas ng loob? (Bakit meron bang lakas ng labas?) Eh siguro kasi nga maaga ako naexpose sa mga pagharap sa tao gaya nung kinder, kaya di nako gaano nahihiya sa tao. Pero ayoko naman dumating sa point na sobrang ang lakas naman ng loob ko. Di maganda te.  So yun, sa madaling sabi, ang daldal ko. Sa mga nakakakilala sakin, alam nyo yan. (Kaya nyo nga ako kilala.) Tanda ko pa nung high school talagang leading ako jan sa mga maiingay. Haha! pero di naman yung bad girl kasi ayokong pinapabayaan ang pag-aaral ako. Maingay ako pero nag-aaral ng mabuti (sa tingin ko ha?)  Bilang patunay, nung nageevaluate ang mga prof ng attitude noong 4th year high school, kalebel ko lang naman ang mga boys namin sa classroom pagdating dun. Haha kaloka lang. Pero walang kaso sakin yun kasi gusto ko naman magpasaya ng tao.

Pang-apat, maglitrato. Picture! Nako talaga namang hilig ko yan eh! Nung wala pakong camera, kahit VGA cam ng phone pinapatos ko talaga. At ano/sino ang pinipicturan ko? Syempre sarili ko. Aminado akong vain. Kung saan saan bumebend at sumestretch yung arms ko mahanap lang yung anggulo ko sa picture. Yung tipong halos every other day papalit palit ng profile pic. Ewan ko ba, nageenjoy ako. Eh di lalo na nung may maayos ayos nakong camera . Kung dati mukha lang ang kuha sa picture, ngayon humowhole body nako. Makapose wagas. Tapos eedit ko din, pero hindi ko binabago ang hitsura, kurba o kung anu man, Kulay at mga brightness brightness ang binabago ko. Ayoko naman na magpost ng picture na retokado. Kung kita ung taba ko sa tyan, kesa iliquify ko sa photoshop, crop ko na lang. Haha.

Panglima,  graphic arts. Ano ba ang graphic arts? Hindi ko din gaano maeksplika basta it's like when the graphics is the art of you. Ano?! Eh basta, mahilig ako gumawa ng logo, background, banner at kung anu ano. Minsan napagkakakitaan din. Kaya kung may gusto kayo ipagawa go lang. Simulan nyo na. Haha. Eh nitong college lang din ako nahilig dyan. Powerpoint ang una kong bestfriend dyan nung di pako marunong magphotoshop. Eventually, thank God natutunan ko din magphotoshop para naman hindi puro pinagpatong patong na shapes gamit ko.


Ayan, ilang lang naman yan sa maibabahagi ko tungkol sa sarili ko. Ang ilan ay malalaman nyo pa sa mga posts ko sa susunod. Mahilig nga din pala akong mamuna ng mga bagay kaya wag sana kayong magugulat sa mga sunod kong kwento o kaya maoffend mamaya ipablock nyo pa ko utang na loob ang hirap magtype please lang. 

So ito'y isang panimula! welcome post! Kasi may blog nako. Nenyenenyenye. 
Masaya pala, para karin nakikipag-usap, pasmado nga lang kamay mo pagkatapos pero masaya.

:)