Hindi ito pangalan ng aso, gaya nito, "Brownout! brownout! chooo! choo!"
Hindi rin ito pastry na color brown at tadtad ng nuts. Punta ka red ribbon tapos bili ka, "Miss miss, do you still have brownouts?"
Kondisyon ito. Isang kagimbal gimbal na pangyayari para sa mga taong ang buhay ay nakasalalay sa mga bagay na may kuryente.
Ang ganda ganda ng gising ko kanina! Ang aga ko nagising eh, mga mga 6am gising na ako. Kasabay ng kaingayan ng mga tao sa bahay dahil nagpeprepare sila pagpasok. Yung kapatid kong maliit, atat sabi ng wag pumasok ang lakas ng ulan! Anyway, ayun, sa sala ako nakatulog. Sala. Hindi yung kinakain nyong puro gulay at damo excuse me. Sala. yung sofa. Lagi na lang akong dun nakakatulog di ko alam kung bakit. Eh syempre dahil maaga ako nagising, bumangon nako. Kain ng breakfast.
Sarap ng breakfast ko, corned tuna tsaka adobong poultry. Una, corned tuna. Natutuwa naman ako sa napakabright na pagiisip ng nakaimbento ng corned tuna. Pano nga ba ito naging corned tuna? Hinaluan ba ito ng mais? Wala naman akong nakita ever sa history ng pagkain ko nito. Minsan nga naisip magspend ng isang araw para bulatlatin at busisiin ang corned tuna o kahit corned beef man kung meron itong corn talaga. Kung ako gagawa ng corned tuna lalagyan ko talaga ng ebidensya na may corn sa bawat lata nito. Sweet corn pa with cheese powder.
Pangalawa, adobong poultry. Bakit poultry? dahil di lang pork adobo or chicken adobo ang ulam ko, combination ito kaya tinawag kong poultry. This is what you call, simplification in English grammar yung mga tipong instead of the bearer of the sword eh gawin mo na lang sword bearer para simple! Ang sarap ng adobo, kaya nga nagkamay ako sa pagkain kanina. Syempre naghugas muna ko dahila yoko namang mabahiran ng muta ung kanin ko at maging instant java rice ito. Ayun, enjoy ang breakfast. Aalis na lahat ng tao sa bahay nun. At syempre punta nako sa trono ko, sa computer, ng biglang,
Nagbrownout. Oo nagbrownout. SHEET. Ano na lang ang gagawin ko?
Pero naitanong mo nadin ba sa sarili mo kung ano ang brownout? ano ang pinagmulan ng salitang ito?
*nagbrownout*
Pasensiya na at nagbrownout, nabura ung itatype ko so next topic. haha umiwas sa pagpapaliwanag?
Anyway, brownout. Okay sinearch ko sa WIkipedia ang ibig sabihin ng brownout, ito daw ay a drop in voltage in electrical power supply. Susyal totoo pala. Akala ko kasi imbento lang ng mga tao ang salitang brownout. Pero may kumalaban sa salitang ito. "blackout". may point nga naman ang mga tao sa paggamit ng blackout. Hello, pag nawalan ba ng kuryente brown ang paligid? diba hindi, black? *clap clap*
Okay bilang brownout, lumabas ang batugan self ko at napagdesisyonan ko na matulog. Sarap. Kayakap ko yung "Miffy" ko. Yun ung bolster pillow na mahaba. Comfort pillow ko yun at talagang nakakatulog ako in no time dahil dun. Bakit "miffy" ang tawag ko? tanda ko kasi nung bata ako, ang unang bolster pillow ko tadtad ng "miffy" na nakasulat tapos may drawing ng cartoon character na di ko alam kung pagmamayari ba ng sanrio o abortus ng sanrio sa hitsura.Kaya yun, akala ko lahat ng bolster pillow, "miffy" ang tawag. Yung nanay ko naman may pagkagatong din, kasi tanda ko nung bata ako, pag matutulog na ko sasabihin nya sakin, "Oh dali, eto na ang miffy mo!" HAHAHA. MIFFY. :)
Nagising ako ng alas dyis i-medya. Yung kapatid kong bata na umuwi na galing school (sabi ko ayoo eh!!!) eh nagpapaluto na ng pagkain. Syempre pinagluto ko, hello, ate ako e. Tapos sabay kaming kumain. Sweet. Tapos, kinukwentuhan nya ako. Ang daldal nya. Nakikinikinita ko na nga sarili ko sa kanya eh. Sorry naman ang pinagkukwentuhan namin, mga milyong pera, shopping ganyan... sana sa totoong buhay pero ragnarok ang tinutukoy niya. Kamalayan ko dun? kaya ako oo na lang ng oo at tanong tanong onti, na panu ba yon ? ganyan ganyan. tapos sya walang tigil.
Eh dahil may lakad ako at atat akong maginternet, umalis muna ako ng bahay at nandito sa mall ngayon. Nasa isang compshop na parang pugon sa init. Feelingerang pandesal tuloy ako. Kala ko malamig dito nyemas! Brownout ang aircon dito. Aircon lang. sa dinami dami pa ng pwedeng mawala bakit hangin pa?!!!pwede namang ilaw.
At iyon, heto ako, batong bato at nagtatype. Obvious ba? So ayon, ang dami kong nagawang entry kagabi pero shempre nasa bahay yun para namang madodownload ko sa computer namin from here. Will put it here soon. :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento