Huwebes, Hulyo 28, 2011

Happy Birthday Lola Violy! :'(

Mejo seserious muna ko slight a?
Birthday ng lola ko ngayon! Pero wala siya dito eh. Kaya may sad face na may muta. :'(
Nasan siya?

Wala siya sa compshop, di siya nagfafacebook o DOTA dun.
Wala siya sa mall, di siya nagsstroll.

Nasan siya? Andyan sa likod mo!
*plays nakakagulat na music*

She passed away last January 2003. :(
And namiss ko siya bigla, sobra. Pano ba naman, it's been 8 years men! 8 years!

Just a short background ng relasyon ko sa lola ko:

Si Lola, lola ko siya sa mother side (alangang lolo?) Sa kanya ako halos lumaki nung bata kahit nung lumaki. Pag nasa work parents ko, sa kaniya ako naiiwan. Sa bahay nila kami tumira ng ilang taon nung wala pa kaming bahay. Teacher siya kaya disiplinada, pero saksakan ng bait. Teacher siya, kaya magaling gumawa ng yema. Teacher siya kaya napapagpraktisan nya akong apo nya sa pagtuturo ng kung anu ano. 3 years old pa lang ako, para nakong may classroom sa bahay ng lola ko. Pag wala kaming magawa, tuturuan nya ko, lalo na ng mga tula. Kaya utang ko sa kanya ang kadaldalan ko ngayon, ang lakas ng loob ko magsalita sa harap ng tao, ang hilig ko sa public speaking. Sabi niya namana ko din daw sa lolo niya, si great grandpapa na mahilig din dun. Ayun, tandang tanda ko pa ang mga tinuro niyang, "Ang Aso Kong Mataba", "All Things Bright And Beautiful". Tapos nung pumasok na ako (na nakadiaper pa, para sure) nung 4 years old, siya madalas sumusundo sakin tapos higit higit nya ako sa palengke at lagi kaming kumakain sa Jollibee o kaya sa paborito niyang pansitan sa palengke. Pag lolo ko daw sumusundo sakin nung bata, kinukurit ko daw kasi ayoko. Sutil at malditang bata. Pag si lola, gustong gusto ko. Favorite eh. Kaabay ko pa siya lagi sa pagtulog dati. Kahit nung lumaki na, pag weekend sa kanya ako natutulog at nagkukwentuhan kami. Pag papasok nako, may extrang baon pako galing ke lola. Groovy yan eh! Tsaka rich kid. Haha. Ay tanda ko pa, pakialamerang bata ako nun, gustong gusto kong magluto, at si Lola ang unang nagturo sakin pano magluto ng napahirap na dish na "instant noodles".

Matago tong si lola eh. Full of surprises. Kaya nalaman na lang namin isang araw, may bukol sa dibdib, at napapansin naming medyo nagiging bloated at edematous ang iba't ibang bahagi ng katawan. Hay. May jabetis siya. Nalaman na lang namin sa doktor na nagkaron na ng komplikasyon nung biglang hindi makahinga si lola at nagdeliryo kaya mega sugod kami sa hospital.

Noong namaalam si Lola, grade 6 pa lang ako nun. Una kong exposure sa ICU. Nung nalalapit na ang huli nyang sandali, sabi nya magpapatangkad daw ako (lola, sorry ayaw na po talaga eh) tsaka gusto nya nga raw sana nandun siya sa debut ko. Hay. Walanjo, nun lang ako umiyak ng ganun kaintense! Di ko pa gaano naiintindihan ang sitwasyon noon pero dama ko, malakas pakiramdam ko, di na maganda nangyayari. Kaya isang araw dali dali akong pinapunta ng mga magulang at tito at tita ko dun dahil yun nga. Time to go na si Lola dear. Isa sa mga napakalaking dagok sa buhay ko yun. Di ko alam pano ko kinaya pero malamang tinulungan din ako ni Lola. Tsaka, yun ung naging dahilan bakit napakamasayahin ko ngayon. Mula nung mawala si Lola, iba naging tingin ko sa buhay, dumaldal ako at talagang nahilig magpasaya ng tao. Kaya ako ganto ngayon, malaking bahagi si Lola ang may kasalanan (nanisi? haha). Kaya yun.

LOLA! Miss na kita bongga, intense, sobra! kabilis ho, akalain nyong 8 taon na pala ang nakakaraan Di ko man ho natupad ang nais nyo na maging doktor ako, eto po nurse na si Apyo. Di ko man kayo naalagaan bilang nurse, hayaan nyo po, di ko po pababayaan ang ating angkan (hala umaangkan?!)haha. I miss you kaduper lola! I love you! :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento