Okay. So unang post ko to sa blog ko so dapat, bongga.
So hello! Ako si April, 20 anyos, limang talampakan, madalas kwestyunin ang pagiging graduate ng kolehiyo. Malay ko ba sa mga tao. Pag makikita ako ng kaopisina ng nanay ko, sasabihin sakin, "Uy ang laki na ng anak mo! Anong year na nyan?" Sasabihin ng nanay ko, "graduate na yan!", OKAY NA EH! Gagatong pa yung kaopisina ng nanay ko at hihirit pa ng, "HIGH SCHOOL?". Sa oras na naririnig ko ang mga salitan "high school", humahaba ang mga balahibo ko at kuko ko,tumataas ang buhok at gustong gusto kong kalmutin ang kausap ng nanay ko. Pero sanay narin ako. Pag may ganung sitwasyon, nginingitian ko lang ng maganda, yung mukhang inosente at natutuwa sa mga sinasabi ng kausap.
Ay bukod sa maliit ako, yun nga graduate nako ng COLLEGE. Inuulit ko, college. Nursing ang kurso ko. Bakit? Eh ginusto ko naman talaga. Paki mo ba. Ginusto din ng mga magulang ko. Kaya bakit di natin gustuhin lahat! Haha. Masaya eh. Nga pala, gusto ko talaga noon, maging scientist. Siguro kakanuod ko ng sineskwela nung bata na minsan feelingerang ginagaya ko pa ung mga eksperimento nila don. Nung prep, yun ung nakasulat sa yearbook namin. Tapos nung lumaki laki na ako (na kaunti lamang ang nilaki at di madaling mahalata) , gusto ko naman magdoktor. Yan, talagang gusto ko yan. DATI. Idol ko kasi pediatrician ko, Si Dr. Reyes. Eh nung lumaki ako (developmentally, kasi physicall di nga halata) , narealize ko ang tagal pala bago ko maging doktor kaya dun tayo sa shortcut. Nursing.
Hilig ko? Madami!
Una, mahilig akong kumanta. Bakit ko inuna? Kasi yun ang hilig ko mula pagkabata talaga. Kinder. Tandang tanda ko pa, una kong nakahiligan yang kanta. Sumali ako sa duet nun. (Oo, di lang ako,syempre may partner, duet nga e.) Buwan ng Wika yun eh, kinanta namin "Ang Bayan Kong Pilipinas". Oo, wag ka nang magtanong kasi noon dinuduet talaga ang kantang yan. So ayun, kaya naging hilig ko na, mapaluma o bago, basta kanta natutuwa ako. Tapos namana ko narin siguro hilig ko kumanta. Lolo ko napakahilig kumanta eh. Imbis na gatas pampatulog nun, videoke.
Pangalawa, sayaw. Etong hilig ko na ito, nitong college ko lang natuklasan, 1st year. Kashe deba sha mga bar, may mga dansh floor. Oo, una kong tapak ng bar nun kasama mga katropa ko nung first year, napasayaw talaga ako. At dun ko narealize, masaya pala sumayaw talaga. Although sumasayaw naman ako dati pa sa mga field demo ganyan ganyan, mass dance nung elementary hanggang high school, eh nitong college ko lang talaga nadama ang matinding pagnanais na sumayaw sayaw. Dahil choosy ako, hiphop talaga ang gusto ko. Talagang napapaindak ako ng bongga sa mga hiphop na yan, pero dahil choosy nanaman ako di basta basta hiphop gusto ko. Ang gusto ko talaga yung mga mejo slow. Hindi yung makabasag eardrums at makasakit dibdib na mga hiphop songs. Talagang di ko lang gusto ang RNB songs, talagang napamahal na sakin mga yan (parang tao lang). Tsaka pag talagang gusto ko magexpress ng nararamdaman, bukod sa pagkanta, isa ring pamamaraan ang pagsayaw.
Pangatlo, magsalita. Eto ang isa sa mga hilig ko na AYOKONG AYOKO talaga, na tigilan. Ewan ko ba anung meron sa bibig ko. Sabi ng iba mukha akong tahimik, sabi ng iba masungit daw , pero pag nakilala nyo naman ako, baka mapagod kayo sa kakasalita. Hilig ko magsalita eh. Kaya nga gustong gusto ko nagsasalita sa harap ng tao. San ako kumukuha ng lakas ng loob? (Bakit meron bang lakas ng labas?) Eh siguro kasi nga maaga ako naexpose sa mga pagharap sa tao gaya nung kinder, kaya di nako gaano nahihiya sa tao. Pero ayoko naman dumating sa point na sobrang ang lakas naman ng loob ko. Di maganda te. So yun, sa madaling sabi, ang daldal ko. Sa mga nakakakilala sakin, alam nyo yan. (Kaya nyo nga ako kilala.) Tanda ko pa nung high school talagang leading ako jan sa mga maiingay. Haha! pero di naman yung bad girl kasi ayokong pinapabayaan ang pag-aaral ako. Maingay ako pero nag-aaral ng mabuti (sa tingin ko ha?) Bilang patunay, nung nageevaluate ang mga prof ng attitude noong 4th year high school, kalebel ko lang naman ang mga boys namin sa classroom pagdating dun. Haha kaloka lang. Pero walang kaso sakin yun kasi gusto ko naman magpasaya ng tao.
Pang-apat, maglitrato. Picture! Nako talaga namang hilig ko yan eh! Nung wala pakong camera, kahit VGA cam ng phone pinapatos ko talaga. At ano/sino ang pinipicturan ko? Syempre sarili ko. Aminado akong vain. Kung saan saan bumebend at sumestretch yung arms ko mahanap lang yung anggulo ko sa picture. Yung tipong halos every other day papalit palit ng profile pic. Ewan ko ba, nageenjoy ako. Eh di lalo na nung may maayos ayos nakong camera . Kung dati mukha lang ang kuha sa picture, ngayon humowhole body nako. Makapose wagas. Tapos eedit ko din, pero hindi ko binabago ang hitsura, kurba o kung anu man, Kulay at mga brightness brightness ang binabago ko. Ayoko naman na magpost ng picture na retokado. Kung kita ung taba ko sa tyan, kesa iliquify ko sa photoshop, crop ko na lang. Haha.
Panglima, graphic arts. Ano ba ang graphic arts? Hindi ko din gaano maeksplika basta it's like when the graphics is the art of you. Ano?! Eh basta, mahilig ako gumawa ng logo, background, banner at kung anu ano. Minsan napagkakakitaan din. Kaya kung may gusto kayo ipagawa go lang. Simulan nyo na. Haha. Eh nitong college lang din ako nahilig dyan. Powerpoint ang una kong bestfriend dyan nung di pako marunong magphotoshop. Eventually, thank God natutunan ko din magphotoshop para naman hindi puro pinagpatong patong na shapes gamit ko.
Ayan, ilang lang naman yan sa maibabahagi ko tungkol sa sarili ko. Ang ilan ay malalaman nyo pa sa mga posts ko sa susunod. Mahilig nga din pala akong mamuna ng mga bagay kaya wag sana kayong magugulat sa mga sunod kong kwento o kaya maoffend mamaya ipablock nyo pa ko utang na loob ang hirap magtype please lang.
So ito'y isang panimula! welcome post! Kasi may blog nako. Nenyenenyenye.
Masaya pala, para karin nakikipag-usap, pasmado nga lang kamay mo pagkatapos pero masaya.
:)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento