Sabado, Hunyo 27, 2015

Cause It's NIU and Me, And All Of The People Na Gutom

Okay so may we rush naman sa SM Aura for dinner that time! Hayok na hayok kaming itry ang latest buffet restaurant ng Vikings, etong NIU. Dahil Buffet, matindihang lafangan to. Dapat mga isang araw kang fasting bago ka pumunta dito eh para sulit na sulit talaga! Dumating kami sa Niu ng around 5 pm, which is sakto lang kasi dinner nila is by 5:30 pm. Sa taas ng SM Aura tong Niu, malapit na sa Samsung Music Hall. Lunch rate nila ay P888 + 5% service charge. And dinner, holiday and weekend rate naman ay P1,388 + 5% service charge. Mej may kamahalan pero I tell you teh, sulit naman! Sa dami ng choices mo ng food and drinks, ikaw na ang mananawa at maglulungad. Tsaka wag kang manghihiyang pagkain naman yan! Sabi sakin lagi ng tatay ko, pag mahal yung pagkain, "O sige nga kainin mo yang 500 mo kung mabubusog ka!" Dami rin nyang sinasabi eh no? Haha!

So habang di pa nagseserve ng food, pede ka na magpalista. Kasi may mga reservations so sila ang mauuna syempre. Kami ay walk-in lang so nagpalist kami. After na maentertain lahat ng mga nagpareserve, sinusunod naman nila agad ang mga walk-in, Siguro around 10-15 minutes lang kami naghintay (to think walk-in lang naman kami) para makalafang. In fairness naman sa service nila, very good sila!

Oh eto ang kabonggahan pag pasok mo sa loob:


Oh diba taray ng mga chandelier ni Sia! Ang mga chairs pang trono ang level oh! Nice ang interiors.

 Eh idederecho ko na yung talak ko sa mga hayin ha? Madami ka talagang choices compared sa ibang buffet restaurants na natry ko. Susyalan pa yung ibang mga food, yung tipong di mo mapronounce ng ayos kaya ituturo mo na lang sa server. "Pesxhcc.. ay kuya yan oh!" Haha! Ang favorite areas ko syempre, ang dessert station and yung Italian cuisine nila doon. Love the stromboli! Yung salad bar ayos na ayos din! Akalain mong nagsasalad ako talaga? Pa-jeta?! Haha! May isang drink ako na minahal ng lubos dito eh, yung Cucumber Lemon chenes. Di ko kinaya, tinubig ko sya sa sarap! 


Oh eto oh! Mapapa Happy Thanksgiving ka nalang sa mabonggang Turkey na to with Apple and Cranberry compote?compost? Haha! Charot! Di ko maalala kung anong name, sensh.



Eto naman para sa mga buong pusong carnivore dyan, may Lamb and US Prime Steak. Yayamanin ano? Ako nga Liempo lang keri na. Dito sa Niu, may mga lebel na ganito pa oh!



At eto na nga ang mga pizza, ayos na ayos din!



So eto na nga ang favorite station ko, ang dessert station! Grabe this is just like, a small portion of the entire area dedicated for desserts ha. Take note, di lang basta ice cream ang meron dito, gelato po, lumebel. Ang dami pang opshans! Macarons, cakes, aaah! Teka, kakapaglaway please.


Verdict: Mabigat nga sa bulsa pero sulit naman! So it's worth it mga teh! Mej may kamahalan talaga pag mga buffet kasi naman ikaw naman talaga ang susuko sa pagkain so ginusto mo yan! Haha! Masarap ang food and the opshans! Yun ang bet ko dun, the opshans. Dapat naman talaga sa buffet may variety ng food. Madami narin naman akong natry na buffet restaurants pero this one tops my list so far. 

Yun lang. Saya diba?

-April ;)

NIU by VIKINGS
6th Floor, SM Aura, 26th Corner, McKinley Parkway, Taguig
Lunch: 11:00AM - 2:30PM
Dinner: 5:30PM - 10:00PM
Website: www.niu.ph

ISDAAN FLOATING RESTAURANT: Mapapadayo Ka Sa Calauan

So ganito, may pinuntahan kami sa San Pablo, Laguna at naisipan naming dumerecho na ng Calauan, Laguna para dayuhin tong ISDAAN FLOATING RESTAURANT. Ang dami ko ng mga kakilalang nagpunta dito, eh di ko pa natry so go push!

Eto ang maganda dyan. May shortcut na daan kung galing kang Lipa. Dun ka dumaan sa may Fiesta Mall derederechuhin mo at dun ka sa Alaminos Road dumaan, paglabas mo maya maya, San Pablo. Take note pa, wala masyadong dumadaang sasakyan pero plakadong plakado ang pagkakasemento ng daan! So ano pa ba? Eh di syempre damang dama ko magmaneho *sings See You Again by Wiz Khalifa*


Eto yung Alaminos Road. Bonggang pagkakasemento no? Tatanungin ko nga sino nagsemento mapagsemento ng bahay balang araw! Maganda pagkakagawa eh! Haha! At look naman, walang sasakyan, baka kahit tumambling ako hanggang San Pablo eh okay lang eh!


Ganito yan, pag dating mo sa dulo ng Alaminos Road, turn right tapos derederecho na yun hanggang San Pablo. Pag dating mo sa kabayanan, may pag-uU-Turnan ka doon para matumbok mo yung isang derechong daan paCalauan. Hirap i-explain pero tinry ko naman. Pag nalilito ka padin, iGPS mo na. Haha!

Travel Time? Mga around 1 hour and 30 minutes from Lipa City. Kasama na trapik doon sa may bandang San Pablo. Pero di naman malaEDSA yung trapik. Yung tolerable naman sya. Ganon.



E di nakarating din kami ng matiwasay ano. Pagdating namin dun, sumambulat samin ang exterior na may ganitong effect! May monumento sila ni Marina, or Dyesebel ata di ko madistinguish sino sa dalawa eh! Haha

Malaki ang place ha! At kahit weekday yun, ang dami padin kumakain. Dami pang mga effect sa loob na mga pagkakalaking mga istatwa at kung anek anek. Kaya yung mga mahilig magpapicture dyan, manawa kayo dito!


Oh ayan, may ganitong effect sa loob at ang dadaanan mo eh mga Bridges of Love na made of kawayan! Very native ang dating! Wag kayo matatakot maglakad sa mga kawayan kasi ako nga kinaya eh? Kayo pa kaya.

Kaya sya Floating Restaurant kasi nga may mga kubo kubo dyan na nakalutang talaga sa tubig. Parang man made tubigan ganon at take note! May mga isda sa tubig! Kelalaki! 

Eh dahil ang init init na at gutom na kami, umorther na kami! Eto nanaman tayo sa ORTHER! Haha! So ang kinuha namin eh yung parang platter na of all fried things! Which we found really sulit! *insert Bimb saying, "Mama, what's sulit?" Haha charot! Oh eto na tingnan nyo at kayo na humusga! Apat kami pero di pa namin naubos kaya sulit yan at a very friendly price of P750.


Verdict: Sulit naman sya! Di namin naubos sa dami to think apat kami ha? So mga good for 4-5 persons sya. Oh see, may lahat ng klase ng sawsawan, may ensalada (jusko paborito ko yan!), may tilapia, crab, hipon, liempo, chicken, lumpiang gulay at lumpiang shanghai! Aarte ka pa ba?

Then, yung rice nila, you can either choose to orther per cup or yung per kaldero. Ang cutie ng mga kaldero nila na maliliit tapos dun talaga sinaing yung kanin. Nakadalawang baby kaldero din kami that time.

At dahil gusto namin ng ginataan, order kami ng crab! Per gram ang price ng crabs at may minimum. Kung di ako nagkakamali, minimum 500 grams para makapagpagata ka. Kala namin maliliit na crab yun kaloka nung sinerve samin, Queen Crab jusko! Parang nanay na ng lahat ng mga crab yun sa laki! It's around P600-650. Oh eto, magbigay pugay kayo sa Queen Crab.


Verdict: Masarap yung gata at malaman naman ang crab in fairness! Make sure magrequest kayo ng Crab Opener! (Ano daw?! Haha!) I mean yung claw cutter para malasap nyo ng bongga! Grabe ang laman ng mga claws! Sherep!

Overall, solb ang kain namin! Busog na busog! Nag shakes din kami dahil sa kainitan. Perfect tong resto na to sa mga family celebrations, gatherings and yung mga grupohang foodtrip kasi mas masusulit ninyo ng bongga!

Eto pa, nagCR kami bago umalis, ang taray nung area sa may mga anek anek din o. May mga ganito pang effect!



Tapos, kung may matagal ka ng kinimkim na hinanakit sa buhay, this is the perfect place for you! Dito sa ISDAAN eh mayTACSIYAPO! Dito sa Tacsiyapo, pwede kang bumili ng babasagin na gusto mo at ihagis ito sa dingding kung san may mga nakasulat ng mga taong maaring kinasusuklaman mo in life. Check this out:



Oh diba?! Bago mo daw ihagis yung babasagin, sigaw ka daw ng "Tacsiyapo!" pero kung gusto mong murahin sabay sigaw name nung kinabubuwisitin mo, di naman yata bawal. Naka anim na mug din kami, P20 isang mug. Ayan may mga plato pa, tapos sa dulo sa left side may TV pa na maliliit! O diba? Kung galit na galit ka na at ang dami mong pera, bili ka TV tapos bato mo lang dito. Haha! Kung di ako nagkakamali, P2000 yung TV.

Oh di ayon! Enjoy kami ng bongga, busog na kami, nakapagbasag pa kami ng mga mug! 

Yun lang, Saya diba?

-April ;)


ISDAAN FLOATING RESTAURANT
National Highway, Brgy. Sto Domingo, Calauan, Laguna
Facebook Page: http://on.fb.me/1FQE7UR

PASCUA'S FREESTYLE KITCHEN: Pasabog ng Bauan, Batangas!

Oh eh di eto nanaman kami ng boypren kong hayok sa pagtry ng mga bagong resto. Nadaan namin tong PASCUA'S FREESTYLE KITCHEN ng mga pinsan ko nung papunta kaming Mt. Gulugod Baboy. (Post ko yan soon, nako sinasabi ko sa inyo!) Sa labas, parang ang shala shala ng place. Di namin natry kumain dun nung naghike kami so binalikan ko sya talaga.

Ganito yan, kung pupunta kang Bauan, galing National Road or galing Star Tollway, derederechohin mo lang yung daan papuntang pier. Pero, take note please! Sa padulo kasi may parang flyover, wag kayo dun dadaan. Kasi di papuntang Bauan yun, baka maligaw pa kayo, ayokong naliligaw kayo dahil di naman kayo ligawin, like me. Haha! Dun kayo sa ilalim dadaan then makikita na kayong sign na to Bauan. Sa right side yun so gora lang kayo sa kanan. Pag liko nyo, derederecho lang hanggang makarating sa may likuan pakanan ulit na may katapat na Jollibee. Again, derederecho lamang mga kapatid hanggang marating nyo ang Shell Bauan, at bago dito, makikita nyo na sa right side and nagsusumigaw na signboard ng Pascua's! O diba? Bongga.

Pag pasok namin, wow! Confirmed! Shala ang place! Sosyal! Nakakarelax sa loob. Classy ang interiors at generally white ang color. Ang dami ding cute ornaments. Check nyo tong mga photos (parang ang dami diba?) nako sinasabi ko talaga.





Ayaaan! Kabonggahan ano? White and black ang main colors. 
Isa lang to sa mga cute ornaments sa wall nila. Sarap magwalling as ilalim neto! Haha! 
True! "All you need is love!" pero pag nagutom ka, kain ka rin ha?

So eto na nga ang inorder ko, Creamy Chicken Mushroom! O ayan diba, pangmayaman ang plating! And, very colorful diba? Blue at purple nalang wala at papasa ng rainbow ito! Price is P260.



Verdict: Dahil mahilig ako sa macreamy na food, swak na swak to sakin! Masarap sya! Heavy (like me) meal! Actually, keri na di magrice pero if pasal ka teh, go lafang ng rice.

Nagtry kami ng dessert pero di ko na napicturan kasi kinain na namin agad. Ano sya eh, Banana-Nutella Tart. Ang tawag sa kanya is Costra Dulce. Eto lang masasabi ko, ANG SARAP. Kelangan nyo itry. Para sa mga jabetes babies dyan, yung may strong affinity na talaga yung dila sa asukal, magugustuhan nyo talaga. Sweet tooth talaga ko eh kaya naenjoy ko ng bongga ang desert na yun! It's P89.

Overall, wagi! Worth the visit naman talaga. Feeling ko masarap din ang ribs dito so try namin someday. Maka someday naman ako! Oh eto menu, magcheck na agad kayo ng mga kakainin nyo bago kayo bumisita!

Yun lang. Saya diba?

-April ;)

PASCUA'S FREESTYLE KITCHEN
F. Mangobos St., Bauan, Batangas
Operating Hours: 10:00AM - 8:30PM
Facebook Page: http://on.fb.me/1NwCxND

Huwebes, Hunyo 25, 2015

IPPON YARI : Mag Trip to Japan sa Batangas

"I want to eat ramen." Sambit ng boypren kong hobby ang kumain. At inenglish nya pa talaga ko.
Eh di naalala ko yung Japanese Restaurant dito lang sa Batangas na nirecommend ng friend ko.
Eh di yun na nga. We went there for lunch.

Ippon Yari. Yan ang name ng Japanese restaurant sa LIMA Park, Malvar, Batangas. Pag pasok mo ng LIMA Park, may guard house dun tatanungin ka ni Koya Guard kung anong sadya mo doon. "Mag-aapply pong guard, para palitan kayo!" Haha charot lang. Friendly naman sila, sabihin nyo lang kain lang kayo sa loob. 

Upon entering, may makikita naman kayong sign. Turn right lang tapos may madadaanan kayong malauod na kurbadong daan. Sa dulo non, makikita nyo na ang LIMA Park Hotel, tapos konting derecho pa, makikita nyo na ang Metrobank, IpponYari at Big30 Pizza and Pasta. (Post ako about dyan soon, pero di na yung about sa Metrobank ha? Di ko naman kakainin yung pera.)

So ayun, may parking area sa likod ng Big30 so gora lang kayo dun. Eh di eto na. May we go na sa IpponYari.

Pagpasok mo palang, mafifeel mo na ang Japan vibes! Dahil sa interiors, sa feel nung place at sa mga waiter at waitress na babati sayo ng "Ohayou kemerluuuu!" Di ko kasi nakuha exactly ano ba yung sinisigaw nila pero kunwari nalang ganun. May area for tables and chairs tapos meron din for parang authentic Japanese style dining. Yung nakaupo, nakaluhod sa sahig ganyan ganyan. Dun lang kami sa table umupo kasi baka mahalatang di naman kami sanay kumain ng Japanese food. Pero ang saya sana! Try namin next time. Mamaya matulog pako dun sa mababang mesa na yun kasi medyo inaantok pako.



So nagorther na kami. Haha! ORTHER talaga! Syempre Ramen ang unang una sa listahan! Inorder namin ang Sapporo Ramen. It's around 300 to 350 pesos. May toge, may pork cutlets (Wow makacutlets!) , may noodles (malamang diba?) , may ground pork, egg, salt and pepper to taste, (inisa isa ko talaga ang ingredients diba? Haha) Oh basta yun, pero check nyo nalang itong picture:




Verdict: Hindi ako mahilig sa Japanese food talaga pero kumakain naman ako kaya feeling ko wala akong karapatang magjudge ng lasa pero for me, masarap itong Ramen na to! Bet na bet ko ang sabaw! At ang laki ng serving naman parang pitong Payless na to eh! So sulit ka kasi busogelya ka.  (Favorite ko ang Payless nung bata ako okay.)

Tapos, di naman mawawala sa orther namin ang Tempura! Tapos binida naman netong si Ate Waitress na may promo daw sila! Shrimp Festival! Kaya sa lahat ng mga hipon, I mean hipon lovers dyan, go na kayo dito. Prices ng shrimp meals nila starting from 280 to around 350 pesos. Discounted na nga yun dahil sa Shrimp Festival nila. So inorther namin ang Mixed Tempura. 300 pesos nalang sya dahil sa Festival keme.

Oh eto sya:



Verdict: Masarap. Crispy. Okay din yung mga gulaying kasama. Bet ko yung sawsawan!

Lastly, nagorther kami ng Takoyaki. Ako lang naginsist. Kasi nagcrave ako bigla nung nakita ko. Haha! 150 pesos sya. Eto oh, di ko nakunan ng solo pic. Family picture nalang nila!:



Verdict: Ako nasarapan ako! Eh kasi nga nagcrave ako diba! May something sa sauce nya na parang lasang hapon talaga. Lasang hapon? Ano? Basta di ko maexplain. May unique taste, in a good way for me! Yung boypren ko di nya type...dahil ako ang type nya. Hahaha! Talandi! Charot lang! Kaso, parang maliit yung size for me. Konti ang inilaki sa kwek-kwek. So feeling ko may imomore pa sya. No offense sa may ari ha! Baka mamaya padakip ako sa mga Yakuza.

Ang bongga pa dito, may patsaa sila at pagulay . Before dumating mga food, nagserve si Ate ng iced tea and salad. Libre to ha! Saya lang! Eto pa ang napakabongga, halos lahat ng mga kumakain dito, puro Japanese talaga! Kasi madami Japanese companies sa LIMA Park so yung mga Japanese bosses and employees madalas dito kumakain. Naloka kami parang kami lang yung pinoy dun. Charot lang. Pero halos puro Japanese talaga lahat ng guests. So, yung mga may balak mag trip to Japan dyan pero di pa keri ng budget, dito muna kayo sa Ippon Yari. Haha!

Overall, masarap sya at kaloka busog ka naman! Budget for two is around 500 - 1000 pesos. So pag four, times two mo nalang. Haha! Eto menu in case gusto nyo ng idea about pricing. 

Saya diba? Yun lang.

- April ;)

IPPON YARI JAPANESE RESTAURANT
Lima Park, Malvar, Batangas
Facebook Page: http://on.fb.me/1C8ZB4V

Miyerkules, Hunyo 24, 2015

Saving All My Love For You

Walang drama at walang echos yang title. Kanta kasi yan. Di ako mageemote dito okay? Haha!
Just wanted to share a video of my song number (presentation?) sa videokehan ni Kapitan sa Tingloy.

Had an amazing chance to experience (Pa-experience nemen!) Tingloy in its jaw dropping natural byooti! Ganda dun teh! (Will make a separate post about our trip,k?)

So eto nga kasi, pero thank you kay Jess (yung may hawak ng microphone) and Michelle (yung may hawak ng phone na nagvivideo at nagsabing "LOWBAT AKO!") for the documentation and for the support! Haha! Ganito kasi yan, everytime hahawakan ko yung microphone, nagground ako. No joke! Pero yung dalawa kong friend, hindi naman. Base sa aming pagiimbestiga, it's either ako ang nawawalang anak ni Volta or conductor talaga ang katawan ko (in all its fatty glory) ng electricity. Taray! Daming sinabi eh no? Pero ang troot. Basa lang kasi tsinelas ko. Eh may metal dun. So you know? Science.

So syempre pag videoke, dapat biritan. Dapat yung gising yung hanggang kabilang baryo pag kumanta ka. Dapat pati mantikang natutulog magising mo! Para 100 score mo! Nung una mga pabebe songs lang kinanta ko, eh nung medyo nagbubuild up na yung momentum, para naman di masayang yung kuryente nina Kapitan (na may oras lamang) eh tinodohan ko na diba?

I chose "Saving All My Love For You" ni Mareng Whitney. Kasi nga diba, ang bongga ng song. Ang daming mga "wooooohh wooooh" ganyan ganyan. Yung parang nagpapainit kalang ng tubig tapos kumukulo na, ganong level yung sound. I call it the "Whistling Kettle" effect.

Okay so eto na, medyo hinaan nyo yung volume kasi baka mavacuum yung mga tutuli nyo. Medyo napalakas ata recording ng sound. Mga nakailang decibel din ako dyan. Yun lang. Saya diba?

-April ;)


Guess Who's Back?!

Okay. Ganito kasi yon.
Kausap ko yung client ko sa Hangouts (Taray makahangouts!) Then bigla kong naclick yung icon kong may photo ng paarte at pacandid kong smile. I was brought to my Google+ page tapos, I suddenly read my profile description. Kaloka. Pang baliw. Hahaha! So naalala ko, I started a blog nga pala way back 2011. Eh di sinearch ko. Eh di nakita ko naman, so here I am, typing.

Kasi I thought I should make this active again. Wala lang! For fun! Tsaka pang note ng mga kagagahan ko, kadaldalan ko. Nakalkal ko mga luma kong posts, natawa ko sa iba eh. Yung iba, nacornyhan ako na parang gusto kong saktan sarili ko sa inis. Haha! But anyway, will try my best to update this from time to time.

I will also keep the medium of instruction (Ano to, school?!) in Taglish. Para keber lang. Para magkaintindihan tayo and para mas masaya. Nahihirapan ako magjoke in English. Sa Tagalog ako sanay. Wag kayong ano.


Yun lang, (Ginawang closing remarks yung "Yun lang?!")

     -April ;)