So ganito, may pinuntahan kami sa San Pablo, Laguna at naisipan naming dumerecho na ng Calauan, Laguna para dayuhin tong ISDAAN FLOATING RESTAURANT. Ang dami ko ng mga kakilalang nagpunta dito, eh di ko pa natry so go push!
Eto ang maganda dyan. May shortcut na daan kung galing kang Lipa. Dun ka dumaan sa may Fiesta Mall derederechuhin mo at dun ka sa Alaminos Road dumaan, paglabas mo maya maya, San Pablo. Take note pa, wala masyadong dumadaang sasakyan pero plakadong plakado ang pagkakasemento ng daan! So ano pa ba? Eh di syempre damang dama ko magmaneho *sings See You Again by Wiz Khalifa*
Eto yung Alaminos Road. Bonggang pagkakasemento no? Tatanungin ko nga sino nagsemento mapagsemento ng bahay balang araw! Maganda pagkakagawa eh! Haha! At look naman, walang sasakyan, baka kahit tumambling ako hanggang San Pablo eh okay lang eh!
Ganito yan, pag dating mo sa dulo ng Alaminos Road, turn right tapos derederecho na yun hanggang San Pablo. Pag dating mo sa kabayanan, may pag-uU-Turnan ka doon para matumbok mo yung isang derechong daan paCalauan. Hirap i-explain pero tinry ko naman. Pag nalilito ka padin, iGPS mo na. Haha!
Travel Time? Mga around 1 hour and 30 minutes from Lipa City. Kasama na trapik doon sa may bandang San Pablo. Pero di naman malaEDSA yung trapik. Yung tolerable naman sya. Ganon.
E di nakarating din kami ng matiwasay ano. Pagdating namin dun, sumambulat samin ang exterior na may ganitong effect! May monumento sila ni Marina, or Dyesebel ata di ko madistinguish sino sa dalawa eh! Haha
Malaki ang place ha! At kahit weekday yun, ang dami padin kumakain. Dami pang mga effect sa loob na mga pagkakalaking mga istatwa at kung anek anek. Kaya yung mga mahilig magpapicture dyan, manawa kayo dito!
Oh ayan, may ganitong effect sa loob at ang dadaanan mo eh mga Bridges of Love na made of kawayan! Very native ang dating! Wag kayo matatakot maglakad sa mga kawayan kasi ako nga kinaya eh? Kayo pa kaya.
Kaya sya Floating Restaurant kasi nga may mga kubo kubo dyan na nakalutang talaga sa tubig. Parang man made tubigan ganon at take note! May mga isda sa tubig! Kelalaki!
Eh dahil ang init init na at gutom na kami, umorther na kami! Eto nanaman tayo sa ORTHER! Haha! So ang kinuha namin eh yung parang platter na of all fried things! Which we found really sulit! *insert Bimb saying, "Mama, what's sulit?" Haha charot! Oh eto na tingnan nyo at kayo na humusga! Apat kami pero di pa namin naubos kaya sulit yan at a very friendly price of P750.
Verdict: Sulit naman sya! Di namin naubos sa dami to think apat kami ha? So mga good for 4-5 persons sya. Oh see, may lahat ng klase ng sawsawan, may ensalada (jusko paborito ko yan!), may tilapia, crab, hipon, liempo, chicken, lumpiang gulay at lumpiang shanghai! Aarte ka pa ba?
Then, yung rice nila, you can either choose to orther per cup or yung per kaldero. Ang cutie ng mga kaldero nila na maliliit tapos dun talaga sinaing yung kanin. Nakadalawang baby kaldero din kami that time.
At dahil gusto namin ng ginataan, order kami ng crab! Per gram ang price ng crabs at may minimum. Kung di ako nagkakamali, minimum 500 grams para makapagpagata ka. Kala namin maliliit na crab yun kaloka nung sinerve samin, Queen Crab jusko! Parang nanay na ng lahat ng mga crab yun sa laki! It's around P600-650. Oh eto, magbigay pugay kayo sa Queen Crab.
Verdict: Masarap yung gata at malaman naman ang crab in fairness! Make sure magrequest kayo ng Crab Opener! (Ano daw?! Haha!) I mean yung claw cutter para malasap nyo ng bongga! Grabe ang laman ng mga claws! Sherep!
Overall, solb ang kain namin! Busog na busog! Nag shakes din kami dahil sa kainitan. Perfect tong resto na to sa mga family celebrations, gatherings and yung mga grupohang foodtrip kasi mas masusulit ninyo ng bongga!
Eto pa, nagCR kami bago umalis, ang taray nung area sa may mga anek anek din o. May mga ganito pang effect!
Tapos, kung may matagal ka ng kinimkim na hinanakit sa buhay, this is the perfect place for you! Dito sa ISDAAN eh mayTACSIYAPO! Dito sa Tacsiyapo, pwede kang bumili ng babasagin na gusto mo at ihagis ito sa dingding kung san may mga nakasulat ng mga taong maaring kinasusuklaman mo in life. Check this out:
Oh diba?! Bago mo daw ihagis yung babasagin, sigaw ka daw ng "Tacsiyapo!" pero kung gusto mong murahin sabay sigaw name nung kinabubuwisitin mo, di naman yata bawal. Naka anim na mug din kami, P20 isang mug. Ayan may mga plato pa, tapos sa dulo sa left side may TV pa na maliliit! O diba? Kung galit na galit ka na at ang dami mong pera, bili ka TV tapos bato mo lang dito. Haha! Kung di ako nagkakamali, P2000 yung TV.
Oh di ayon! Enjoy kami ng bongga, busog na kami, nakapagbasag pa kami ng mga mug!
Yun lang, Saya diba?
-April ;)
ISDAAN FLOATING RESTAURANT
National Highway, Brgy. Sto Domingo, Calauan, Laguna
Facebook Page: http://on.fb.me/1FQE7UR
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento