Sabado, Hunyo 27, 2015

PASCUA'S FREESTYLE KITCHEN: Pasabog ng Bauan, Batangas!

Oh eh di eto nanaman kami ng boypren kong hayok sa pagtry ng mga bagong resto. Nadaan namin tong PASCUA'S FREESTYLE KITCHEN ng mga pinsan ko nung papunta kaming Mt. Gulugod Baboy. (Post ko yan soon, nako sinasabi ko sa inyo!) Sa labas, parang ang shala shala ng place. Di namin natry kumain dun nung naghike kami so binalikan ko sya talaga.

Ganito yan, kung pupunta kang Bauan, galing National Road or galing Star Tollway, derederechohin mo lang yung daan papuntang pier. Pero, take note please! Sa padulo kasi may parang flyover, wag kayo dun dadaan. Kasi di papuntang Bauan yun, baka maligaw pa kayo, ayokong naliligaw kayo dahil di naman kayo ligawin, like me. Haha! Dun kayo sa ilalim dadaan then makikita na kayong sign na to Bauan. Sa right side yun so gora lang kayo sa kanan. Pag liko nyo, derederecho lang hanggang makarating sa may likuan pakanan ulit na may katapat na Jollibee. Again, derederecho lamang mga kapatid hanggang marating nyo ang Shell Bauan, at bago dito, makikita nyo na sa right side and nagsusumigaw na signboard ng Pascua's! O diba? Bongga.

Pag pasok namin, wow! Confirmed! Shala ang place! Sosyal! Nakakarelax sa loob. Classy ang interiors at generally white ang color. Ang dami ding cute ornaments. Check nyo tong mga photos (parang ang dami diba?) nako sinasabi ko talaga.





Ayaaan! Kabonggahan ano? White and black ang main colors. 
Isa lang to sa mga cute ornaments sa wall nila. Sarap magwalling as ilalim neto! Haha! 
True! "All you need is love!" pero pag nagutom ka, kain ka rin ha?

So eto na nga ang inorder ko, Creamy Chicken Mushroom! O ayan diba, pangmayaman ang plating! And, very colorful diba? Blue at purple nalang wala at papasa ng rainbow ito! Price is P260.



Verdict: Dahil mahilig ako sa macreamy na food, swak na swak to sakin! Masarap sya! Heavy (like me) meal! Actually, keri na di magrice pero if pasal ka teh, go lafang ng rice.

Nagtry kami ng dessert pero di ko na napicturan kasi kinain na namin agad. Ano sya eh, Banana-Nutella Tart. Ang tawag sa kanya is Costra Dulce. Eto lang masasabi ko, ANG SARAP. Kelangan nyo itry. Para sa mga jabetes babies dyan, yung may strong affinity na talaga yung dila sa asukal, magugustuhan nyo talaga. Sweet tooth talaga ko eh kaya naenjoy ko ng bongga ang desert na yun! It's P89.

Overall, wagi! Worth the visit naman talaga. Feeling ko masarap din ang ribs dito so try namin someday. Maka someday naman ako! Oh eto menu, magcheck na agad kayo ng mga kakainin nyo bago kayo bumisita!

Yun lang. Saya diba?

-April ;)

PASCUA'S FREESTYLE KITCHEN
F. Mangobos St., Bauan, Batangas
Operating Hours: 10:00AM - 8:30PM
Facebook Page: http://on.fb.me/1NwCxND

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento