Miyerkules, Hunyo 24, 2015

Saving All My Love For You

Walang drama at walang echos yang title. Kanta kasi yan. Di ako mageemote dito okay? Haha!
Just wanted to share a video of my song number (presentation?) sa videokehan ni Kapitan sa Tingloy.

Had an amazing chance to experience (Pa-experience nemen!) Tingloy in its jaw dropping natural byooti! Ganda dun teh! (Will make a separate post about our trip,k?)

So eto nga kasi, pero thank you kay Jess (yung may hawak ng microphone) and Michelle (yung may hawak ng phone na nagvivideo at nagsabing "LOWBAT AKO!") for the documentation and for the support! Haha! Ganito kasi yan, everytime hahawakan ko yung microphone, nagground ako. No joke! Pero yung dalawa kong friend, hindi naman. Base sa aming pagiimbestiga, it's either ako ang nawawalang anak ni Volta or conductor talaga ang katawan ko (in all its fatty glory) ng electricity. Taray! Daming sinabi eh no? Pero ang troot. Basa lang kasi tsinelas ko. Eh may metal dun. So you know? Science.

So syempre pag videoke, dapat biritan. Dapat yung gising yung hanggang kabilang baryo pag kumanta ka. Dapat pati mantikang natutulog magising mo! Para 100 score mo! Nung una mga pabebe songs lang kinanta ko, eh nung medyo nagbubuild up na yung momentum, para naman di masayang yung kuryente nina Kapitan (na may oras lamang) eh tinodohan ko na diba?

I chose "Saving All My Love For You" ni Mareng Whitney. Kasi nga diba, ang bongga ng song. Ang daming mga "wooooohh wooooh" ganyan ganyan. Yung parang nagpapainit kalang ng tubig tapos kumukulo na, ganong level yung sound. I call it the "Whistling Kettle" effect.

Okay so eto na, medyo hinaan nyo yung volume kasi baka mavacuum yung mga tutuli nyo. Medyo napalakas ata recording ng sound. Mga nakailang decibel din ako dyan. Yun lang. Saya diba?

-April ;)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento