Huwebes, Hunyo 25, 2015

IPPON YARI : Mag Trip to Japan sa Batangas

"I want to eat ramen." Sambit ng boypren kong hobby ang kumain. At inenglish nya pa talaga ko.
Eh di naalala ko yung Japanese Restaurant dito lang sa Batangas na nirecommend ng friend ko.
Eh di yun na nga. We went there for lunch.

Ippon Yari. Yan ang name ng Japanese restaurant sa LIMA Park, Malvar, Batangas. Pag pasok mo ng LIMA Park, may guard house dun tatanungin ka ni Koya Guard kung anong sadya mo doon. "Mag-aapply pong guard, para palitan kayo!" Haha charot lang. Friendly naman sila, sabihin nyo lang kain lang kayo sa loob. 

Upon entering, may makikita naman kayong sign. Turn right lang tapos may madadaanan kayong malauod na kurbadong daan. Sa dulo non, makikita nyo na ang LIMA Park Hotel, tapos konting derecho pa, makikita nyo na ang Metrobank, IpponYari at Big30 Pizza and Pasta. (Post ako about dyan soon, pero di na yung about sa Metrobank ha? Di ko naman kakainin yung pera.)

So ayun, may parking area sa likod ng Big30 so gora lang kayo dun. Eh di eto na. May we go na sa IpponYari.

Pagpasok mo palang, mafifeel mo na ang Japan vibes! Dahil sa interiors, sa feel nung place at sa mga waiter at waitress na babati sayo ng "Ohayou kemerluuuu!" Di ko kasi nakuha exactly ano ba yung sinisigaw nila pero kunwari nalang ganun. May area for tables and chairs tapos meron din for parang authentic Japanese style dining. Yung nakaupo, nakaluhod sa sahig ganyan ganyan. Dun lang kami sa table umupo kasi baka mahalatang di naman kami sanay kumain ng Japanese food. Pero ang saya sana! Try namin next time. Mamaya matulog pako dun sa mababang mesa na yun kasi medyo inaantok pako.



So nagorther na kami. Haha! ORTHER talaga! Syempre Ramen ang unang una sa listahan! Inorder namin ang Sapporo Ramen. It's around 300 to 350 pesos. May toge, may pork cutlets (Wow makacutlets!) , may noodles (malamang diba?) , may ground pork, egg, salt and pepper to taste, (inisa isa ko talaga ang ingredients diba? Haha) Oh basta yun, pero check nyo nalang itong picture:




Verdict: Hindi ako mahilig sa Japanese food talaga pero kumakain naman ako kaya feeling ko wala akong karapatang magjudge ng lasa pero for me, masarap itong Ramen na to! Bet na bet ko ang sabaw! At ang laki ng serving naman parang pitong Payless na to eh! So sulit ka kasi busogelya ka.  (Favorite ko ang Payless nung bata ako okay.)

Tapos, di naman mawawala sa orther namin ang Tempura! Tapos binida naman netong si Ate Waitress na may promo daw sila! Shrimp Festival! Kaya sa lahat ng mga hipon, I mean hipon lovers dyan, go na kayo dito. Prices ng shrimp meals nila starting from 280 to around 350 pesos. Discounted na nga yun dahil sa Shrimp Festival nila. So inorther namin ang Mixed Tempura. 300 pesos nalang sya dahil sa Festival keme.

Oh eto sya:



Verdict: Masarap. Crispy. Okay din yung mga gulaying kasama. Bet ko yung sawsawan!

Lastly, nagorther kami ng Takoyaki. Ako lang naginsist. Kasi nagcrave ako bigla nung nakita ko. Haha! 150 pesos sya. Eto oh, di ko nakunan ng solo pic. Family picture nalang nila!:



Verdict: Ako nasarapan ako! Eh kasi nga nagcrave ako diba! May something sa sauce nya na parang lasang hapon talaga. Lasang hapon? Ano? Basta di ko maexplain. May unique taste, in a good way for me! Yung boypren ko di nya type...dahil ako ang type nya. Hahaha! Talandi! Charot lang! Kaso, parang maliit yung size for me. Konti ang inilaki sa kwek-kwek. So feeling ko may imomore pa sya. No offense sa may ari ha! Baka mamaya padakip ako sa mga Yakuza.

Ang bongga pa dito, may patsaa sila at pagulay . Before dumating mga food, nagserve si Ate ng iced tea and salad. Libre to ha! Saya lang! Eto pa ang napakabongga, halos lahat ng mga kumakain dito, puro Japanese talaga! Kasi madami Japanese companies sa LIMA Park so yung mga Japanese bosses and employees madalas dito kumakain. Naloka kami parang kami lang yung pinoy dun. Charot lang. Pero halos puro Japanese talaga lahat ng guests. So, yung mga may balak mag trip to Japan dyan pero di pa keri ng budget, dito muna kayo sa Ippon Yari. Haha!

Overall, masarap sya at kaloka busog ka naman! Budget for two is around 500 - 1000 pesos. So pag four, times two mo nalang. Haha! Eto menu in case gusto nyo ng idea about pricing. 

Saya diba? Yun lang.

- April ;)

IPPON YARI JAPANESE RESTAURANT
Lima Park, Malvar, Batangas
Facebook Page: http://on.fb.me/1C8ZB4V

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento