Okay so may we rush naman sa SM Aura for dinner that time! Hayok na hayok kaming itry ang latest buffet restaurant ng Vikings, etong NIU. Dahil Buffet, matindihang lafangan to. Dapat mga isang araw kang fasting bago ka pumunta dito eh para sulit na sulit talaga! Dumating kami sa Niu ng around 5 pm, which is sakto lang kasi dinner nila is by 5:30 pm. Sa taas ng SM Aura tong Niu, malapit na sa Samsung Music Hall. Lunch rate nila ay P888 + 5% service charge. And dinner, holiday and weekend rate naman ay P1,388 + 5% service charge. Mej may kamahalan pero I tell you teh, sulit naman! Sa dami ng choices mo ng food and drinks, ikaw na ang mananawa at maglulungad. Tsaka wag kang manghihiyang pagkain naman yan! Sabi sakin lagi ng tatay ko, pag mahal yung pagkain, "O sige nga kainin mo yang 500 mo kung mabubusog ka!" Dami rin nyang sinasabi eh no? Haha!
So habang di pa nagseserve ng food, pede ka na magpalista. Kasi may mga reservations so sila ang mauuna syempre. Kami ay walk-in lang so nagpalist kami. After na maentertain lahat ng mga nagpareserve, sinusunod naman nila agad ang mga walk-in, Siguro around 10-15 minutes lang kami naghintay (to think walk-in lang naman kami) para makalafang. In fairness naman sa service nila, very good sila!
Oh eto ang kabonggahan pag pasok mo sa loob:
Oh diba taray ng mga chandelier ni Sia! Ang mga chairs pang trono ang level oh! Nice ang interiors.
Eh idederecho ko na yung talak ko sa mga hayin ha? Madami ka talagang choices compared sa ibang buffet restaurants na natry ko. Susyalan pa yung ibang mga food, yung tipong di mo mapronounce ng ayos kaya ituturo mo na lang sa server. "Pesxhcc.. ay kuya yan oh!" Haha! Ang favorite areas ko syempre, ang dessert station and yung Italian cuisine nila doon. Love the stromboli! Yung salad bar ayos na ayos din! Akalain mong nagsasalad ako talaga? Pa-jeta?! Haha! May isang drink ako na minahal ng lubos dito eh, yung Cucumber Lemon chenes. Di ko kinaya, tinubig ko sya sa sarap!
Oh eto oh! Mapapa Happy Thanksgiving ka nalang sa mabonggang Turkey na to with Apple and Cranberry compote?compost? Haha! Charot! Di ko maalala kung anong name, sensh.
Eto naman para sa mga buong pusong carnivore dyan, may Lamb and US Prime Steak. Yayamanin ano? Ako nga Liempo lang keri na. Dito sa Niu, may mga lebel na ganito pa oh!
At eto na nga ang mga pizza, ayos na ayos din!
So eto na nga ang favorite station ko, ang dessert station! Grabe this is just like, a small portion of the entire area dedicated for desserts ha. Take note, di lang basta ice cream ang meron dito, gelato po, lumebel. Ang dami pang opshans! Macarons, cakes, aaah! Teka, kakapaglaway please.
Verdict: Mabigat nga sa bulsa pero sulit naman! So it's worth it mga teh! Mej may kamahalan talaga pag mga buffet kasi naman ikaw naman talaga ang susuko sa pagkain so ginusto mo yan! Haha! Masarap ang food and the opshans! Yun ang bet ko dun, the opshans. Dapat naman talaga sa buffet may variety ng food. Madami narin naman akong natry na buffet restaurants pero this one tops my list so far.
Yun lang. Saya diba?
-April ;)
NIU by VIKINGS
6th Floor, SM Aura, 26th Corner, McKinley Parkway, Taguig
Lunch: 11:00AM - 2:30PM
Dinner: 5:30PM - 10:00PM
Lunch: 11:00AM - 2:30PM
Dinner: 5:30PM - 10:00PM
Website: www.niu.ph
Facebook Page: http://www.facebook.com/niubyvikings
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento